Watchmen Daily Journal

Xian Lim addresses naysayers of his relationsh­ip with Kim Chiu

-

Aminado si Xian Lim, 31, na maraming kumukuwest­iyon sa relasyon nila ng nobyang si Kim Chiu, 31.

Tandang-tanda pa raw niyang pinag-usapan nila ni Kim kung magtatagal ba sila bilang magkasinta­han noong bago pa lang silang magkasinta­han.

Naging magkarelas­yon sila noong 2012, o siyam na taon ang nakararaan.

Sabi ni Xian: “Naaalala ko pa nung first date natin, you told me that you’re worried that what we have might not last because of this crazy world we live in.

“N[a]ysayers had their own versions of what they think we have.

“So many doubts, so many people trying keep us apart.”

Pero pinatunaya­n daw nila ni Kim na hindi matitibag ng anumang pagsubok ang kanilang relasyon.

Ang sweet message ni Xian para sa nobya:

“Ma[n]y years later, nandito pa rin tayo para sa isa’t isa, nagmamahal­an na parang walang bukas [heart emoji]

“I love you so much Kim, always remember that.

“Through thick and thin, through ups and downs, know that I’ll always be here loving you every day, every hour and every second.”

Sabi pa ni Xian, “I just want to say that I’m the luckiest man in the world to always have you by my side.

“HAPPIEST BIRTHDAY TO YOU [birthday party emojis] Enjoy this special day!”

Ibinahagi ito ni Xian sa kanyang Instagram noong Lunes, Abril 19, na saktong ika31 kaarawan ni Kim.

Ipinakita rin niya rito ang ilang litrato nilang magkasinta­han na kuha sa kanilang mga bakasyon sa iba-ibang beach resorts dito sa Pilipinas at pati na sa ibang bansa.

Unang nagkatamba­l sina Kim at Xian sa ABS-CBN primetime series na “My Binondo Girl” noong 2011.

Noong panahong iyon ay bali-balita na ang masugid na panliligaw ni Xian kay Kim.

Ilang taon ang lumipas bago nila opisyal na inaming sila ay magkarelas­yon, at bandang 2019 nang ihayag ni Xian na pitong taon na niyang nobya si Kim.

 ??  ?? Xian Lim’s sweet message for girlfriend Kim Chiu who celebrates her 31st birthday on Monday, April 19: “I just want to say that I’m the luckiest man in the world to always have you by my side.”
Xian Lim’s sweet message for girlfriend Kim Chiu who celebrates her 31st birthday on Monday, April 19: “I just want to say that I’m the luckiest man in the world to always have you by my side.”

Newspapers in English

Newspapers from Philippines