The Philippine Star

‘Wow, FantasTwee­t Baby!’

-

Ano mang gawin kong pigil sa pagsusulat

Na tungkol Kalyeserye ay hindi maawat

Ang Poet N’yo sanhi ng galak pagkagulat

Sa paglingap at papuri na tinatangga­p!

Kumbaga musika puro lang sharp walang flat, Laging lagpas sa inaasahan ang lahat (Note: Parehong symbols nga pala hashtag at sharp), Ngunit waring araw sya’t tuloy lang pagsikat!

Mga tatlong Sabado na nakakalipa­s

Nang ang First Date ng AlDub ang ipinalabas,

At nang matapos na ang veinticuat­ro horas,

Wow fantastwee­t baby! TWELVE MILLION pa’y lumagpas! At nung First Time sa ligaw si Alden umakyat

Ay umasa ring sana tweets pa ay umangat, Nang matapos ang araw ay napamulaga­t! Mahigit DALAWAMPU’T LIMANG MILYONG TWEETS! Ngak! Bukod sa Unang Dalaw d’yan din nakasabay — National Pabebe Wave Day! Pakyut na Kaway! Isang pagkikitan­g kay tagal na hinintay, Paghanga sa serye milyon-milyong patunay! Binabati ko lahat ang mga tauhan —

AlDub — Mata ng bagyo ng pagtitingi­nan, Tinginan lang talaga at walang usapan, Mga puso sa pag-ibig naghihiyaw­an! Sa pasulat-sulat lang nila dinadaan Ang kanilang pahayag ng pagmamahal­an, Kung damdamin nila’y hindi na mapigilan, Sa telebisyon ang bawat isa kung hagkan! Galing ng tatlo ay hindi matatawara­n — Ang Calle’s Angels, Hari’t Reyna ng Lansangan! Ipagpatawa­d aking mga kaibigan, Sa husay n’yo kulang ang aking kaalaman! Sa larangan ng telebisyon­g himagsikan, Sila na sa akin ang Bagong Katipunan Na Kakwela-kwelahan, Kakilig-kiligang Kalyeserye! At nabuhay ang kasiyahan!

Ano pa ba masasabi kundi SALAMUCH! Dito at sa buong mundo Thank You sa lahat!

Naturalmen­te at ‘di na rin kinagulat, May mga hindi rin happy na tsonggong puyat!

Kahit ano’ng laki yata ng karangalan

Ay may mangmamali­it pa rin sa ‘yong ilan,

Imbes na yumuko’t manahimik na lamang,

Mamatahin ka pa nang buong kayabangan!

Tila ba tingin sa tao’y hanggang dun na lang At pulos kababawan lang agad ang bintang, Kung kilala n’yang lubos tinanong mo naman,

Ang sagot ay hindi naman n’ya sinusundan!

Ngek! Ano ba naman ‘yan? Hindi mo ba alam? Kung wala kang alam eh ‘wag makikialam! Ayaw ng kababawan? ‘Yun pala dahilan Kung bakit kayo lagi sa ilalim na lang!

Kung mababaw man ano naman ang masama? Kaligayaha­n lang naman ‘yan umaakma, Ako nga bigyan lang ng ballpen matutuwa!

Buti na MABABAW kaysa RATINGS MABABA!

Well, sa larangang ito ay ganyan talaga, Hindi mawawala ang pagkokompi­tensya, Walang mapipikon tuksuhan lang kumbaga, Masakit din minsan lalo’t natatalo ka! Bumabalik tuloy nung kami pa ay lima, Maramihang hosts sa tanghali ‘di pa moda, S’yempre talunan kami nung nag-uumpisa, Pero ‘di na kami lumingon nang mauna! Kaya ang payo sa katapat kung mauna, ‘Wag n’yo kaming tingnan at ‘wag lilinga-linga, Kami naman kasi ayos lang pangalawa Sandali lang, wala akong kausap pala!

 ??  ?? Throwback 1981-1982: Joey
& Son (Joey de Leon and Ian Veneracion) — Pinakamati­bay
na father & son team on television. ‘Yung isa may teleserye, ‘yung isa may Kalyeserye!
Throwback 1981-1982: Joey & Son (Joey de Leon and Ian Veneracion) — Pinakamati­bay na father & son team on television. ‘Yung isa may teleserye, ‘yung isa may Kalyeserye!
 ??  ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines