The Mindanao Examiner Regional Newspaper

Tapat na paglilingk­o, isinusulon­g ng Civil Service Commission sa North Cotabato

- Benez) (Rhoderick

NORTH COTABATO – Magkatuwan­g at patuloy na isusulong ng Civil Service Commission o CSC 12 at ng Provincial Government of Cotabato ang integridad sa gobyerno at tapat na paglilingk­od sa mamamayan.

Ito ang naging buod ng usapan sa pagitan nina CSC 12 Regional Director Resurrecio­n Pueyo at Cotabato Gov. Emmylou Mendoza matapos na magsagawa ng courtesy visit ang una sa Provincial Governor’s Office kamakalawa.

Si Pueyo ay katatalaga lamang bilang Regional Director ng CSC 12 at nagsasagaw­a ngayon ng courtesy visits sa mga Provincial LGUS at iba pang sangay ng gobyerno sa Region 12.

Sinabi ni Pueyo na sa pamamagita­n ng programa ng Serbisyong Totoo ng Provincial Government of Cotabato ay makakamtan ng mga Cotabateno ang tapat at mahusay na serbisyo publiko.

Kaugnay nito pinuri ng opisyal ang administra­syon ni Gov. Mendoza sa patuloy na pagsisikap na maiparatin­g sa mga constituen­ts ang wastong serbisyo alinsunod sa mga proseso, polisiya, at adbokasiya ng CSC.

Kasama din sa courtesy visit si CSC Provincial Field Office Director Ma. Josefina Buenbrazo at nagpasalam­at sa patuloy na suporta at pakikiisa ng mga empleyado ng provincial capitol sa isinusulon­g na mga programa ng CSC.

Sinabi naman ng gobernador na ginagawa ng kanyang administra­syon ang lahat ng makakaya upang mapanatili ang integridad, disiplina, at maayos na serbisyo ng mga manggagawa ng kapitolyo.

 ??  ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines