Tempo

Jennylyn hataw!

-

HATAW si Jennylyn Mercado sa GMA7. Hindi kaya nangangani­b mapalitan si Marian Rivera sa pagiging Primetime Queen? Sabi ng ilang netizens, wala namang primetime series si Marian .

Eh, si Jennylyn daw, humahataw sa ratings ang primetime series niyang “Love You Two.”

Masusubuka­n naman ang hosting skills niya sa upcoming artista search na “Starstruck 7.” Co-host siya ni Dingdong Dantes.

Balitang magkasama rin sila sa isa pang upcoming show ng GMA7, ang “Descendant­s of the Sun.”

Hindi naman siguro pagseselos­an ni Marian si Jennylyn. “Safe” siya kay Jen dahil may Dennis Trillo na ito.

Nag-iyakan!

Hindi kaya napi-pressure si Kathryn Bernardo ngayong may best actress award na siya? Malaki ang expectatio­ns sa kanya sa upcoming movie niya, “Hello, Love, Goodbye.”

Mega blockbuste­r sa takilya ang “The Hows of Us” na pinagtamba­lan nila ni Daniel Padilla. Si Alden Richards ang kapareha ni Kathryn sa “Hello, Love, Goodbye.”

Ayon sa isang source, matinding eksena ang kinunan kina Kathryn at Alden noong last shooting day. Pareho raw namugto ang kanilang mga mata sa kaiiyak.

‘Andun si Daniel Padilla, kausap ang ilang co-stars nina Alden at Kathryn. Ayaw niyang maistorbo si Kathryn sa pag-i-internaliz­e sa eksenang kukunan.

Matapos ang last take, nagkainan ang buong cast at production staff. Nagpadala ng food si Alden galing sa kanyang Concha’s restaurant, nagpabili naman ng lechon si Kathryn.

Nasaan na?

Nasaan na si Bea Binene? Ano’ng pinagkakaa­balahan niya? May bago ba siyang show sa GMA7? ‘Yan ang mga tanong ng kanyang fans na nami-miss na siyang mapanood sa boob tube.

Matapos ang special participat­ion ni Bea sa “Dragon Lady,” tipong nananahimi­k na ang kanyang career. Noong mga bagets pa sila ni Barbie Forteza at magkasama sa youth-oriented show na “Tweenheart­s” ay sila ang “pinaglalab­an” ng fans. Ang ganda ng itinatakbo ng career ngayon ni Barbie. Happy pa ang kanyang lovelife. Two years na sila together ni Jak Roberto. Si Bea, secretive sa kanyang lovelife. May post siya noon sa socmed ng mystery guy na nagpapadal­a sa kanya ng flowers. Tuloy pa rin kaya ‘yun hanggang ngayon?

 ??  ??
 ??  ?? JENNYLYN Mercado
JENNYLYN Mercado

Newspapers in English

Newspapers from Philippines