Tempo

Aktres, nahirapang katrabaho ang 3 lola

-

SINGLE but not available si Zanjoe Marudo. Aniya, mahirap pumasok sa isang panibagong relasyon kapag hindi pa siya handang magmahal nang buung-buo.

Nali-link si Zanjoe kay Bela Padilla, na aniya, good friends lang sila. Pero may pahiwatig si Zanjoe na kung handa na si Bela for a commitment, handa na rin siya. Maging “sila” kaya o ibang girl ang tinutukoy ni Zanjoe?

Samantala, showing pa rin sa mga sinehan ang “Fallback” kung saan si Rhian Ramos ang leading lady ni Zanjoe.

Ayon sa mga nakapanood nito, ang lakas ng screen chemistry nina Zanjoe at Rhian. Ang daming naka-relate sa story ng “Fallback” tungkol sa isang girl in a relationsh­ip na malapit nang masira. Nagkita uli sila ng kanyang ex-boyfriend. Naging malapit muli sila sa isa’t-isa.Balik-pelikula

Balik-pelikula si Angelika dela Cruz at kasama siya sa “Trip Ubusan: The Lolas vs. Zombies” na pinagbibid­ahan nina Jose Manalo (Lola Tinidora), Wally Bayola (Lola Nidora) at Paolo Ballestero­s (Lola Tidora.)

Ani Angelika, hindi na niya matandaan ang huling pelikulang ginawa niya. “Ang tagal-tagal na kasi (laughs),” aniya sa presscon.

Kontrabida ang role ni Angelika na aniya, okey lang. Grateful siya na isinama siya sa cast ng movie dahil na-miss niya ang paggawa ng pelikula.

Nag-shoot sila sa Subic at Batangas. Masaya sila sa set. Nahirapan lang siya katrabaho ang tatlong lola dahil ani Angelika, “Mahirap magpigil ng tawa. Offand-on camera, nagpapataw­a sila. Very supportive rin sila sa co-workers nila. Never nilang ipinaramda­m na mga sikat na sila,” ani Angelika. Showing on Nov. 22 ang “Trip Ubusan: The Lolas vs. Zombies.”

Malakas kumain

Ang guwapo at batang-batang ang itsura ni Piolo Pascual kapag napapanood namin siya sa isang TV commercial. Parang twenty something lang ang edad ni Piolo na pwede pa siyang ihanay sa mga heartthrob ngayon.

At 40 years old, papable at desirable pa rin si Papa P. Ano nga ba ang kanyang sikreto ng pagiging youthful-looking ever? “I’ve learned not to take my work home. Iniiwan ko sa set. After work, I go home.

Wala akong stress. Hindi ko inistress ang sarili ko,” he said.

Pag nasa bahay lang siya, nagluluto siya ng comfort food niya, ang corned beef na iginigisa niya sa sibuyas. Blessing sa aktor na siya ang celebrity endorser ng Highlands Gold Corned Beef with Angus beef. Sakto sa panlasa niya na aniya, hindi malitid, hindi matabang.

Ayon pa kay Piolo, walang bawal na pagkain sa kanya. “I can eat anything. Malakas akong kumain. Kaya malakas akong mag-workout.”

 ??  ?? ZANJOE Marudo
ZANJOE Marudo
 ??  ?? PIOLO Pascual ANGELIKA dela Cruz (Instagram)
PIOLO Pascual ANGELIKA dela Cruz (Instagram)

Newspapers in English

Newspapers from Philippines