Sun.Star Pampanga

E-trike, pedicabs at motorized tricycles naglipana sa CSF

-

Parang kabuteng nagsulputa­n sa City of San Fernando ang mga E-trike, pedicab at motorized tricycles (MTs).

Malimit mo makikita ang mga Etrike, pedicab at MTs sa kahabaan ng MacArthur highway mula sa Barangay Sto. Rosario kung minsan hanggang sa Barangay Telabastag­an pa. Karamihan ng mga ito ay namamasada na kung saan tutuusin sa loob lamang sila ng mga barangay o subdivisio­n maaaring mamasada.

Ang mga ito ay hindi nila alintana ang mga behikulo (jeep, car at iba pang behikulo) na maaari silang maaksident­e. Kung minsan nakikipagk­arera pa ang mga E-trike at MTs sa mga private vehicle na hindi nila iniintindi­n ang sakay nilang pasahero na maaari silang ma-aksidente.

Lalo na ang mga E-trike, ang mga drayber nito ay walang driver license at hindi yata alam ang batas trapiko. Kamakailan, napansin ng inyong lingkod pagdating ng mga E-trike, pedicab at MTs hindi sila huminto sa kabila ng red ang light (stop). Patuloy pa rin ang mga ito na tatakbo kahit nasa stop light ang traffic light.

Kaya naman dito malimit magkaroon ng aksidente ang mga ito dahil mga pasaway ang mga drayber nito. At kung minsan bigla na lamang tatawid ang mga ito na hindi man lang nagbibigay signal. Kasi nga mga sSiga” sila ayon sa mga motorists.

Hindi kasi sila hinuhuli ng mga traffic enforcer pinababaya­an na lamang sila?

Nang tanungin ng Land Transporta­tion Office (LTO) at Highway Patrol Group (HPG) kung bakit hindi nila hinuhuli, ang sabi ng dalawa, ang may karapatan na manghuli ng mga ito ay ang City of San Fernando traffic enforcers.

Sang-ayon sa iang senior police officer sa Dateline, dapat gumawa ng resolusyon ng City of San Fernando government na ipagbawal ang E-trike, pedicab at MTs na bumiyahe sa MacArthur highway at maging sa kahabaan ng Jose Abad Santos Avenue.

Sabi nga ng senior police officer, hihintayin pa ba ng City of San Fernando government na ma-aksidente ang mga ito? Nagtatanon­g lang po…

Dapat magkaroon ng “political will” si City Mayor Edwin Santiago na ipagbawal na ang mga E-trike, pedicab at MTs sa mga pangunahin­g lansangan.

Abangan po ang magiging aksyon ni EdSa...

 ??  ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines