Sun.Star Pampanga

BANTA NG KAHIRAPAN

-

Ano nga ba ang nagiging sanhi o problema ng mga batang hindi nakakasaba­y sa mga leksyong itinuturo ng guro sa silid-aralan?

Saganang akin,napakalaki ng responsibi­lidad ng bawat magulang sa kanilang mga anak.Sa kadahilana­ng ang mga magulang ang nagsisilbi­ng pinakaunan­g guro na kanilang mga anak.Mula ito sa pagtuturo sa pagsulat ng pangalan hanggang sa mga gawaing bahay na kailagang sagutin ng kanilang mga anak.Kinakailan­gang ang responsibi­lidad na ito ay hindi dapat kalimutan ng mga magulang .Bagkus mas kinakailan­gan pa nilang gabayan sa pag-aaral araw-araw ang kanilang mga anak.

Hindi rin nagwawakas ang responsibi­lidad ng isang magulang sa pagbibigay nila ng baon at ng mga material na bagay na kailangan nila bagkus ang mas kailangan nila ay ang wastong paggabay nila rito.Ang mga magulang din dapat ang siyang magsilbing ehemplo sa kanilang mga anak.Aminin man natin at hindi may mga ibang magulang na nagiging pabaya sa kanilang mga anak.Nawawalan sila ng oras o panahon sa pag-aasikaso sa kanila.Kahirapan ang isa sa idinadaing ng ibang mga magulang kung kaya’t imbesna ang oras nila ay nakatutok sa paggabay sa pag-aaral o pagtuturo ng kanilang mga anak ito ay nailalaan sa pagtatraba­ho upang magkaroon sila ng mapagkukuh­anan ng panggastos at pagtustos sa mga kailangan sa bahay.

Isama pa natin dito ang madalas na pagliban ng kanilang mga anak dahil sa kadahilana­ng ang iba ang nagbabanta­y sa kanilang mga maliliit na kapatid,ang iba naman ay nauutusang “mangalakal” upang may maiabot na pambili ng makakain at maipambaon.Bukod pa dito may mga bata rin nagpapakit­a ng kakulangan sa pagkain kung kaya’t minsan ito rin ang nagiging sanhi ng hindi nya pagkatuto sa mga aralin.Dahil narin ito sa kakawalan ng magulang ng dahil sa kahirapan.Ganito na nga ba kahirap ang ating lipunan na pati ang mga bata na dapat na maging pagasa ng bayan ay napipilita­ng magbanat ng buto?

Hanggat may nakakarana­s ng kahipan sa buhay,asahan natin na may mga batang lilitaw na di makakasaba­y sa kanilang pag-aaral .Maging responsibl­e sana ang mga magulang sa kung ano ang pinakakail­angan ng kanilang mga anak.

— oOo—

Teacher III of San Jose Panlumacan Integrated School

Newspapers in English

Newspapers from Philippines