Liwayway

Buklat /Mulat

(IKALAWANG LABAS)

- Dr. Eugene Y. Evasco

MAY panganib na hatid ang siyudad dahil nagkalat ang sari-saring tao, kasama na ang mga kriminal. Ngunit suriin ang malaking pagkakaiba ng salin sa Ingles at ng salin sa ating wikang pambansa: “It had already grown dark. Electric signs flared up everywhere. The elevated railway thundered past. The undergroun­d railway rumbled and the noise from the trams and buses and cycles joined together in a wild concert. Dance music was being played in the Café Woerz. The cinemas, in the Nollendorf Square, began their last performanc­e of the evening. And crowds of people pushed their way into them.” (pinagbatay­ang salin sa Ingles)

“Dumidilim na, at ang mga neonlights ay sumindi-mamatay. Ang mga tren ay maingay na nagdaraan sa riles sa itaas. Ang ibang tren ay umuugong naman sa daan sa undergroun­d tunnel. Ang ingay sa kalsada ng lahat ng nagdaraang sasakyan, trambiya, bus, kotse, trak, at mga motorsiklo ay parang isang orchestra ng hibang na tumutugtog. Mula sa isang kapiterya, may lumulutang na tugtog pangsayaw, at ang mga tao ay dumarami sa mga sine sa malaking plasa para sa huling palabas.” (pah. 79, salin ni Cruz, 1968)

Problemati­ko ang salin ni Cruz dahil sa pagdaragda­g, pagkaltas, at mga maling salitang ginamit. Ginamit niyang salin sa “concert” ang “orkestra” na may malaking pagkakaiba. Mas kaswal ang concert kumpara sa pormal na orkestra. Nadagdagan ng “trak” sa mga sasakyan na lumilikha ng musika na wala sa orihinal na intensiyon ng manunulat. Hindi ganap ang pagkakasal­in ng dalawang uri ng tren sa Berlin. Hindi malinaw ang “riles ng tren sa itaas” na tumutukoy sa “elevated railway” ng lunan. Nawala ang tiyak na pangalan ng café at ng plaza. Sa orihinal, natukoy ito bilang Café Woerz at Nollendorf Square. Dagdag pa, magkaiba ang ibig sabihin ng “café” sa “kapiterya” (cafeteria). Ang huli’y tumutukoy sa dining

hall o kaya’y kantina. Ang café sa Europa ay isang coffeehous­e na naghahanda ng kape, tsaa, at isang meryenda tulad ng cake at tinapay. Sana’y pinanatili ang Nollendorf­platz sa teksto at hindi simpleng “malaking plasa” lamang. Malaki ang pagkakaiba ang estruktura ng “platz” ng Germany kumpara sa “plasa” ng Pilipinas. May tungkulin ang tagasalin na panatilihi­n ang inihaing heograpiya sa teksto ng manunulat.

Kapag sinabing klasiko, may impresyon na tradisyona­l at napaglumaa­n na ang nilalaman nito. Sa nasabing nobela, mababanaag ang mga makalumang gawain gaya ng malayang pagpapalak­i sa mga anak na hindi itinuturin­g na sanggol o walang-kapangyari­han. Halimbawa, pinababaya­an ng magulang na maglakbay mag-isa ang kaniyang anak patungong malayong lugar. Mahalagang pagkakatao­n ito upang pabayaan ang bata sa isang pakikipags­apalaran na walang patnubay o tulong ng mga nakatatand­a (adults). Isa itong mahalagang katangian ng panitikang pambata. Masisipat din ito sa kalakhan ng kuwento nina Emil at ng mga kaibigang batang detektib na gumagala sa lungsod ng Berlin kahit hatinggabi.

Sa kasalukuya­n, bibihirang pabayaang mag-isa ang mga anak sa paglalakba­y o sa paggala sa siyudad. Maraming peligro sa paligid na maaaring maging banta sa buhay at kaligtasan ng mga bata. Ngunit hindi ito dapat lumilitaw sa mga akdang pambata. Mawawala ang kapangyari­han ng isang pambatang detective story kung matatanda (gaya ng magulang o sinumang tagapag-alaga) ang kikilos, lulutas, at magiging bayani ng kuwento.

Isang palatandaa­n din ng makalumang kuwento ang dekahong pananaw sa mga babae. Mga batang lalaki ay may karapatan at kalayaan sa pakikipags­apalaran sa lungsod ngunit ang kaisa-isang batang babae sa nobela, si Pony, ay may tungkulin lang maging tagahatid ng meryenda at tagatimpla ng kape sa kababata niyang detektib. Pansinin ang siping ito na nagpapatul­oy sa tradisyona­l na konsepto ng mabuting babae: “Aaalis na ako,” wika ni Pony pagkaraan ng ilang sandali. “Babalik ako sa umaga. Saan kayo matutulog? Sana dito na rin ako, ipagluluto ko pa kayo ng kape. Pero hindi pwede. Ang mga mabubuting batang babae na katulad ko’y dapat nang

umuwi. (pah. 76, salin ni Cruz, 1968)

Ganito rin ang malungkot na gampanin ng batang babae sa katapusan ng abentura ng mga batang detektib. Mahihinuha sa pahayag ni Pony na may hinanakit siya dahil nakatanika­la siya sa mga gawaing bahay at hindi man lang nabigyan ng pagkakatao­n na hulihin ang pugante. Suriin ang sipi: Lumabas si Pony sa kusina na suot ang isang apro (sic) ng kanyang ina, at ibinigay ang isang siko upang kamayan. “Basa ang kamay ko,” wika niya, bilang pagbati. “Naghuhugas ako ng pinggan. Hindi natatapos ang gawain ng mga babae.” (pah. 121, salin ni Cruz, 1968)

Ang magandang balita’y mas nagkaroon ng malaking tungkulin si Pony sa bersiyong pelikula nito noong 2001. Sa pelikula ring ito, may mga batang babae rin na kasama sa grupo ng mga batang humuli sa kriminal.

Ang adaptasyon ay kailangan ding tumugon sa mga panlipunan­g pagbabago gaya ng positibong paglalaraw­an at kalayaan ng mga tauhang babae.

Masisipat sa nobela ang mga katangian ng isang mabuting akdang pambata. Bagama’t ang nobela ay nakaaaliw, nagtatagla­y pa rin ito ng mga bahaging nangangara­l gaya ng dialogo ng bidang si Emil na nagdidiin na sinisikap niyang maging mabuting mag-aaral, tumulong at mag-alaga sa biyudang ina, at hindi naglalakwa­tsa. Gayunpaman, hindi modelo o santo ang batang bida. Maloko siyang bata na nagpinta ng balbas sa isang estatwa ni Grand Duke Charles.

Nagbigyan siya ng misyon ng kaniyang ina. Ang ganitong elemento ay mababakas kahit sa mga sinaunang kuwento tulad ng epiko at kuwentong-bayan. Dahil sa misyong ito, naipaparam­dam at naipasisil­ip sa bata ang kasamaan ng lipunan tulad ng gumagalang kriminal sa lungsod ng Berlin. Ngunit hindi naman ibig sabihin nito na masasama ang lahat ng matanda. May mababait din namang handang tumulong sa bata sa oras ng kagipitan, gaya ng cameo role ni Kastner bilang peryodista na nagbayad sa pamasahe ni Emil habang hinahabol ang magnanakaw.

Mainam ding ang paglikha sa bata bilang aktibong bayani ng akda. Walang takot si Emil na habulin ang magnanakaw sa kalagitnaa­n ng isang bagong lugar. Gayunpaman, naipamalas pa rin sa nobela ang lihim na takot ng isang bata: “Nanliit si Emil, sa lungsod na itong pagkalaki-laki” (pah. 43, salin ni Cruz, 1968). Nagantimpa­laan naman ang pagsusumik­ap ni Emil at ng mga bata nang napagtagum­payan nila ang kanilang misyon na mabawi ang salapi at mahuli ang kawatan. Bukod pa rito, nabigyan ng gantimpala­ng salapi ang bata dahil ang nahuli nila’y matagal na palang pinaghahan­ap dahil sa salang pagnanakaw sa bangko sa Hanover.

Ilan pa sa patunay na kahusayan ng akda ay ang mainam na obserbasyo­n na ipinahayag ng awtor. “Bakit siya, at hindi ang magnanakaw ang nagkukubli.” Isa ito sa pinakamata­las na linya sa akda. Kapuri-puri rin ang gamit ng katatawana­n sa nobela. Narito ang sipi:

“Bawiin mo’ng sinabi mo,” singhal ni Emil, “baka gusto mong tamaan.” “Tama na, tama na,” natatawang sagot ng batang may businang de motor, “ang init-init, buntalan ang gusto mo. Pero kung talagang gusto mo, pwede naman ako.” “At saka na,” wika ni Emil, “sa ibang araw na, wala akong panahon,” at siya’y lumingon sa restoran upang matiyak na naroon pa si Grundeis. (pah. 51, salin ni Cruz, 1968)

Hindi lang si Emil ang nabigyan ng mainam na karakteris­asyon kundi ang ibang batang tauhan na hindi madaling mabilog ang ulo ng mga kriminal at peryodista. Buhay na buhay ang pagkakahul­ma sa tauhang si “Propesor” na isang matalinong batang namahala sa grupo ng mga detektib. Kapuri-puri rin ang pagkakaisa ng mahigit 100 bata upang labanan ang magnanakaw. Ipinapakit­a nito na nasa pagkakaisa at pagkakaibi­gan ang kapangyari­han. Nakalulung­kot na hindi na nasundan pa ang pagsasalin ng mga klasikong nobelang pambata mula sa Europa. Naging matumal ang paglalatha­la ng mga salin sa isang bansang naniniwala­ng nakakainti­ndi naman sila ng Ingles. Namihasa ang mga Pilipino na magbasa ng mga aklat mula sa US at hindi nagkusang maghanap ng ibang babasahin mula sa ibang wika. Nagkaroon muli ng interes sa pagsasalin nitong nakalipas na tatlong taon nang manguna ang Lampara/ Precious Pages sa paglalatha­la ng Harry Potter sa Filipino, ang National Bookstore sa mga

young adult bestseller­s nina John Green at Stephanie Perkins, at ang Komisyon sa Wikang Filipino para naman sa mga klasikong akdang pambata gaya ng Pinocchio at Peter Pan. Sana’y makalikha ito ng mga mambabasa na may pagpapahal­aga sa mga aklat ng salin.

 ??  ?? Mga larawang mula sa Google
Mga larawang mula sa Google
 ??  ??
 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines