Daily Tribune (Philippines)

P20 PER KILONG BIGAS, UMARANGKAD­A SA CEBU

- Ni Sebastian Navarro

Inilunsad ng Cebu province noong Martes ang P20 per kilong bigas sa ilalim ng Sugbo Merkadong Barato program pero paglilinaw ng provincial government, para lamang muna umano sa mga mahihirap na pamilya ang naturang presyo ng bigas.

Pinangunah­an ni Cebu Governor Gwendolyn Garcia ang programa sa Talisay City, kasama si House Speaker Martin Romualdez.

Ang murang bigas ay mula sa National Food Authority na pinondohan ng pamahalaan­g panlalawig­an ng P100 milyon at ang programa ay tulong umano ng pamahalaan­g panlalawig­an sa mga mahihirap na pamilya at suporta sa layunin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na maibaba sa halagang P20 per kilo ang bigas sa bansa.

Ang mga mahihirap na pamilya ay tutukuyin ng lokal na pamahalaan para maging kuwalipika­do na bumili ng murang bigas sa ilalagay na mga pop-up store na katulad ng Kadiwa sa iba’t ibang lugar sa lalawigan.

Maaaring bumili ang mga kuwalipika­dong pamilya ng hanggang limang kilo ng bigas sa loob ng isang linggo.

Aminado naman si Garcia na kailangan ng NFA ng suporta para maipagpatu­loy ang programa dahil limitado na rin lang ang kakayahan nito na bumili ng bigas sa lokal na magsasaka, at pinagbabaw­alan na ang ahensiya ng umangkat ng bigas sa ilalim ng Rice Tarifficat­ion Law.

“The supply hugely depends on Regions 4 and 6 because with the rice tarifficat­ion law, the NFA is no longer permitted to import rice and must purchase its rice domestical­ly. Well and good, that really will support our farmers,” sabi ni Garcia.

“But with a program like this that needs at least 15,000 to 25,000 bags of rice per week, this program cannot be sustained unless NFA can be given the chance to put up the needed stocks for the P20 per kilo which, of course, will touch so many struggling Cebuanos,” dagdag niya.

Samantala, nangako naman si Romualdez na hahanap ito ng paraan para masuportah­an ang NFA at ang programa ng Cebu at binati rin ng House Speaker si Garcia sa naturang programa na nagpapakit­a na kayang magawa ang mithiin na maibaba sa P20 per kilo ang bigas sa bansa.

“Ang House of Representa­tives ay handang tumulong upang ang magandang simulain at programa na ito ng probinsiya ng Cebu ay maihatid at mapatupad natin sa lahat ng probinsiya sa bansa para kapakanan ng ating mga kababayan,” ayon kay Romualdez.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines