Daily Tribune (Philippines)

SUNOG SA MAMBALING, SUMIKLAB

- NI SEBASTIAN NAVARRO

Sumiklab ang isang sunog sa Barangay Mambaling, Cebu City kung saan tinatayang nasa 300 pamilya ang naapektuha­n at aabot umano sa P3.75 milyon ang halaga ng pinsala sa sunog na tumupok sa 150 bahay sa Sitio Wang-yu.

Sinabi ni Fire Officer 3 Emerson Arceo, imbestigad­or ng Bureau of Fire Protection sa lungsod na itinaas pa sa ikalawang alarma ang sunog at nasa 49 fire trucks ang rumesponde sa insidente at tumagal umano nang halos 2 oras bago naapula ang apoy.

Isang residente umano ang nasugatan. Inilikas sa barangay gym ang mga nasunugan habang patuloy na inaalam ng mga awtoridad ang sanhi ng apoy.

Samantala, isang sunog rin ang naiulat sa Rodriguez, Rizal Sabado ng gabi at ayon sa inisiyal na imbestigas­yon ng Bureau of Fire Protection, nagsimula ang sunog sa bahay ng mag-asawang senior citizen na pawang mangangala­kal.

Dahil gawa sa light materials ang bahay at puno ito ng mga kalakal, mabilis kumalat ang apoy at naapektuha­n ang kalapit na bahay at 2 establisyi­mento.

Umakyat pa sa unang alarma ang nasabing sunog.

Kwento ng caretaker ng tindahan ng motor parts na si Noli Resco, matutulog na sana siya nang marinig ang sigawan ng mga tao na nasusunog ang kalapit na bahay.

“Mga 11 p.m., nagsisisig­aw yung katabi namin. Sunog raw sunog. Eh di naglabasan kami kasi malakas na ang apoy dito sa katabi namin. Tapos iyong mga gamit gamit na iba, nailabas namin pero yung mga piyesa nasunog,” aniya.

Ayon pa kay Edmar Gabuyo, empleyado ng isa pang tindahan ng motor parts, sa laki ng apoy, wala na silang naisalbang kahit na anong gamit.

Wala naman sa bahay ang dalawang senior nang mangyari ang insidente. At dahil tinupok ng apoy ang kanilang bahay at junkshop, nananawaga­n sila ng tulong.

“Pagdating po namin ninenerbiy­os ako, nangingini­g ako. Naubos na iyong damit namin, naubos na yung gamit. Lahat na wala ng natira. Gusto ko po sana humingi ng tulong dahil wala kaming mapupuntah­an,” sabi ng biktimang si Alicia Dariguez.

Inaalam pa sa ngayon ng BFP ang pinagmulan ng sunog.

Sa inisyal na pagtataya, aabot ng P300,000 ang halaga ng napinsala.

Wala namang naiulat na nasugatan sa insidente.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines