Daily Tribune (Philippines)

‘GHOSTING’ BILL, DAPAT BANG MAGING PRAYORIDAD?

-

MATAPOS ang kanyang kontrobers­iyal na panukalang batas na palitan ang pangalan ng Ninoy Aquino Internatio­nal Airport (NAIA) sa Ferdinang E. Marcos Internatio­nal Airport (FEMIA), humirit na naman ang isang mambabatas matapos namang ihain ang House Bill Numbdr 811 na naglalayon­g gawing krimen ang “ghosting.”

Sa ilalim ng panukala ni Negros Oriental Rep. Arnie Teves Jr., nais niyang ideklara ang “ghosting” bilang isang emotional offense.

Sinabi ni Teves na dapat isama ang “ghosting” sa ilalim ng klasipikas­yon ng emotional abuse.

Base sa inihain ni Teves, masasabing biktima ang isang tao ng “ghosting” kapag bigla na lamang itinigil ng isang indibidwal ang pakikipag-ugnayan sa kanyang karelasyon o maging sa magkakaibi­gan.

Ayon pa kay Teves, masasabing “ghosting” ang isang relasyon na walang naging closure sa relasyon ng dalawang indibidwal.

Iginiit ni Teves, na nagdudulot ng sakit sa kalooban para sa isang taong biktima ng “ghosting”.

Iba’t iba naman ang naging reaksyon ng publiko sa inihaing panukala ni Teves.

Ayon sa mga kritiko, mas marami pang dapat pagtuonan ng pansin ang mga mambabatas kaysa unahin ang panukalang “ghosting”.

Ito ay sa harap naman ng nangyayari­ng mga problema bunsod ng pandemya at ang patuloy na panggigiye­ra ng Russia sa Ukraine.

Idinagdag pa ng mga netizens na mas maraming mga isyu na malapit sa sikmuka ng mga Pinoy imbes na unahin ang panukalang “ghosting” bill.

Bagamat totoo namang maraming mga kababaihan na biktima ng “ghosting” at maaaring may mga nang-ghosting ang kinakabaha­n na ngayon na posibleng maparusaha­n sila sakaling maipasa ang panukalang batas, hindi naman maikakaila na hindi ito prayoridad ng mga ordinaryon­g tayo.

Ang pagtaas ng mga bilihin pa rin ang pangunahin­g problema ng ating bansa, kasama na ang pagtaas ng presyo ng langis.

Oo nga’t sunod-sunod ang rollback na ipinatupad ng mga produktong petrolyo, may posibilida­d pa rin na tataas muli ang presyo ng langis.

Magandang pablisidad kay Teves ang ginagawang mga panukalang batas pero hindi naman ito ang kailangan ng mga ordinaryon­g tao.

Unahin ang mga panukalang batas na magbibigay ng trabaho at makatutulo­ng sa pagbangon ng ating ekonomiya.

Dapat ay unahin muna ni Teves ang mga panukalang may malaking tulong sa mga ordinaryon­g tao.

Abangan natin kung lulusot nga ang panukalang ito.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines