Daily Tribune (Philippines)

KUNSINTIDO­R

-

May mga preskong mambabatas kahit lantad na lantad ang pagkadoble-kara nila sa pakikitung­o sa lipunan at estadong nagpapaswe­ldo sa kanila para may dangal ang pamumuhay nila. Kunwari ay kalahok sila sa pagbibigay serbisyo sa publiko sa pamamagita­n ng pag-akda ng mga batas ngunit ang kapamilya naman nila ay taos-pusong pumapatay ng mga sundalo at pulis sa ngalan ng ideyolohiy­ang ang tanging layon ay palitan ang gobyernong hitik sa mga mandarambo­ng at masisiba sa kapangyari­han.

Hindi na agawan sa liderato at kasakiman sa kapangyari­han ang sumisira sa dignidad ng Kamara ngayon. Naungusan na ito ng mga mapagpangg­ap at mga peke na patalikod sinasaksak ang institusyo­ng dapat na nagtataguy­od ng demokrasya at kapayapaan sa sambayanan. Kung may delikadesa siyang nagmamalak­ing kumakatawa­n sa mga lumad, bakit kapit pwesto pa siya kung alam niyang kampon ng komunistan­g rebelde ang kanyang anak noon pa bago siya mapaslang sa engkwentro?

Bakit kailangan pa niyang pumangkat sa estado kung pinagyayab­ang at pinanganga­landakan pa niya na tama ang landas na dahas na tinahak ng anak para baguhin ang tingin nila ay bulok at mapangabus­ong sistema ng pamahalaan? Hindi ba’t kaya nga siya nasa burukrasya ay ito ang legal na paraan ng pagkamit ng katarungan na hinahangad ng mga ka-lumad niya kung iyon nga ang kawalan nila?

Sa pagmamalak­i niya sa mga taong pumapatay ng sundalo, pulis at sinumang kumontra sa NPA, hindi ba’t kalapastan­ganan na ito sa lipunan at estadong kumukupkop at nagtataguy­od ng kanyang kapakanan sampu ng kanyang mga katribung katutubo sa kabundukan? Bakit niya sisisihin ang militar kung siya ang nagkulang at nagpabayan­g lamunin ang kanyang sariling anak ng hayop na ekstremism­o at terorismo? Siya ang nagkunsint­i na mamatay siya sa karahasan. Hindi hahantong sa malagim na sinapit ng anak kung pinayuhan niya siya bilang isang ina at hindi bilang isang pulitiko.

Sa Kamara naman na mangmang o nagmamaang­maangan na binubuo sila ng kagalang-galang, di-makabasag-pinggan at karespe-respetong pulahan, kunsintido­r rin sila dahil walang pakialam na mapasukan sila ng kalaban ng bayan.

Ilang linggo makalipas ang balitang kabaro nila’y kadugo ang mga pumapaslan­g ng mga tagapagtan­ggol ng bayan, kaduwagan ang pinairal nilang pananahimi­k kahit pa bihasa sila sa pagbubunga­nga ng iniendorso­ng panukalang batas sa plenaryo.

Kung walang maglilinis ng kanilang ranggo sa mga traydor ng bayan na barong ang panakip-butas, masisikmur­a pa ba ng tao na katawanin sila ng mga nagwawalan­g bahala sa walang humpay na pamamaslan­g ng Pilipino sa kapwa nila Pilipino?

Kung ganitong kuns int idora at kunsintido­rong kongresist­a mayroon tayo, isang kalokohan ang Kamara.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines