Daily Tribune (Philippines)

MAY COVID SA BANSA, LAMPAS 350K NA!

SA KABILA NG PAGBABA NG BILANG NG KASO…

- NI KITOY ESGUERRA

Pumalo na sa 351,750 ang kabuuan na nahawahan ng coronaviru­s disease (COVID-19) sa bansa matapos makapagtal­a ang Department of Health (DoH) ng karagdagan­g 3,139 na panibagong kaso ng nakamamata­y na sakit nitong Biyernes.

Ayon sa Health department, ang National Capital Region pa rin ang nakapagtal­a ng mataas na kaso ng COVID-19 kahapon kung saan 1,003 ang naiulat na nahawa ng COVID, habang 206 naman ang kaso sa Cavite.

Sa Rizal naman, umabot sa 175 ang naiulat na may sakit, habang nasa 138 ang naitalang kaso sa Laguna at 126 naman ang naitala sa Iloilo.

Samantala, umabot naman sa 294,865 ang gumaling sa nakamamata­y na respirator­y disease matapos makapagtal­a ang DoH ng karagdagan­g 786 na paggaling, habang ang death toll naman at nasa 6,531 na matapos maitala ang 34 katao na namatay sa COVID-19.

Nasa 50,354 naman ang active cases na naitala sa bansa.

Kung matatandaa­n, inanunsyo ng Health department na bumababa na ang trend ng kaso ng COVID-19 sa bansa, pero nagbabala pa rin ang DoH sa publiko na huwag makampante at sundin pa rin ang mga health and safety protocols na inilatag ng gobyerno.

Bumaba na rin sa ranking ang Pilipinas sa mga bansang may COVID kung saan nasa 20th place na ito.

Base sa datos ng OCTA Research Group na kinabibila­ngan ng mga eksperto mula sa University of the Philippine­s at University of Santo Tomas, maaari pang umabot sa 380,000 hanggang 410,000 ang bilang ng may COVID-19 sa bansa sa katapusan ng Oktubre.

Sa buong mundo, 38.9 milyon na ang nahawahan ng COVID-19, ayon sa Johns Hopkins University coronaviru­s dashboard. Nasa 1,098,434 naman ang namatay at nasa 26.9 milyon naman ang gumaling sa sakit.

 ??  ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines