Daily Tribune (Philippines)

Survival ng PBA, sinisiguro

- NI BEA MICALLER

Ang napipinton­g pagbabalik ng 45th season ng Philippine Basketball Associatio­n (PBA) ay isang signos na kakayanin ng liga na maka-survive sa kabila ng kinakahara­p na krisis bunsod ng pagkalat ng coronaviru­s disease (COVID-19) sa bansa.

Ayon kina Yeng Guiao ng NLEX, Nash Racela ng Blackwater at John Cardel ng Terra Firma, isa umanong magandang balita ang napipinton­g pagbabalik-laro ng liga kung saan sa Clark Freeport Zone sa Pampanga gaganapin ang pagbubukas ng Philippine Cup sa ilalim ng isang bubble setup. Sa Oktubre 9 na umano bubuksan ang liga.

Hinihintay pa rin ng PBA ang go signal ng Inter-Agency Task Force (IATF), pero ayon sa mga head coaches, tama ang naging desisyon nina PBA commission­er Willie Marcial at ng board of commission­ers na paghandaan ang pagbubukas ng liga.

“Nothing but excitement on our part because we are ready to do whatever it takes to resume the season,” sabi ni Guiao. “Everyone in the PBA is working hard to pull off this bubble and NLEX will give its full cooperatio­n for this to be successful just like in the NBA (National Basketball Associatio­n).” Nitong Huwebes lang, inilabas na ng PBA ang kanilang mga plano para sa pagbubukas ng season. Gaganapin ang mga laro sa Angeles University Foundation gym at titira ang mga manlalaro sa Quest Hotel sa loob ng Clark Freeport Zone.

Inaasahang magbubukas ang season ng PBA sa Oktubre 9 at tatagal ito ng dalawang buwan. Ang format na gagamitin ay single-round eliminatio­ns at apat na koponan ang aabante sa best-of-five semifinals at ang finals naman ay best-of-seven.

Double-header ang gagawin araw-araw at 48 games ang lalaruin ng mga koponan. Sinabi naman ni Cardel na magiging makasaysay­an ang muling pagbubukas ng liga sa ilalim ng isang bubble setup.

“We are so happy with the news and the whole team is excited to be part of a memorable season,” sabi ni Cardel.

Si Racela naman, naniniwala­ng magagawa ng PBA ang bubble setup.

“We trust that it was carefully thought of by the PBA board so our responsibi­lity right now is really to prepare ourselves for the eventual reopening of the season in October,” sabi ni Racela. “We are all excited and we look forward to the start of the bubble.”

Sabi naman ni Guiao, mistulang may homecourt advantage siya.

“I’m excited because Clark is my home. I know they have the capacity, the ability, good people and they have all logistical requiremen­ts. It’s fitting they decided to go there,” sabi ni Guiao. “We are good with our roster so I don’t think we will trade anyone at this point.”

Newspapers in English

Newspapers from Philippines