Balita

LizQuen may good news sa fans

- Reggee Bonoan

NAKABINBIN ang lahat ng proyekto ng ilang artista kaya ang naisip nila habang hindi pa sila bumabalik sa taping o shooting ay babalikan nila ang kanilang pag-aaral at ang ilan sa kanila ay sina MCcoy

De Leon at Liza Soberano.

Nu’ng isang araw ay nag-post si Mccoy ng resulta ng assessment niya sa katatapos na isang semester at ang caption niya, ‘’ Mahirap dahil nakakapani­bago ulit bumalik sa pag aaral pero walang imposible pag gusto. ‘Yan na nga worth it ang hirap, sobrang saya ko lang. Hay thank you Lord! #onetermdow­n #Mapuan #Pangarap :)”

Kasama ang aktor sa teleseryen­g FPJ’s Ang Probinsyan­o, pero since sa Batangas ang location at hindi naman siya kasama sa umeereng istorya kaya wala siyang ginagawa sa ngayon.

Speaking of Liza ay umamin din na gusto niyang bumalik sa pag-aaral at ang kukunin niya ay BS Psychology at sigurado na ito habang hindi pa sila nagsisimul­ang mag-shoot ng pelikula ng boyfriend cum love team na si Enrique Gil mula sa direksyon ni Cathy Garcia Molina.

Sa FB Live nina Ogie Diaz at MJ Felipe nitong Sabado ay napagusapa­n ang pagbabalik eskwela ng dalaga.

‘’Actually, willing to work naman si Liza at si Enrique, pag bumaba ang bilang everyday ng Covid cases puwede na silang magtrabaho. Nakakatako­t kasing magtrabaho ngayon kahit nakalock in ka.

‘’When you say naka-lock in, nandoon kayo sa isang location walang alisan at uuwi lang kayo kapag tapos na ang shoot. At kahit naka-lock in, hindi pa rin maaalis na nagkakaroo­n ng case ng Covid.

‘’And since hindi naman tayo mukhang pera para sabihin kay Liza nan a, ‘sige anak gawin mon a ‘yan sayang. Long-term kasi ako, so mas importante sa akin ang health ng mga bata,’’ esplika ni Ogie. Kaya pabor ang manager ng aktres na magbalik-eskwela siya. Pero inamin ding may gagawing pelikula ang LizQuen, ‘’maganda ang kuwento, kaya lang hihintayin pa rin nating mag-subside ang itong bilang, mag flatten the curve. Nagustuhan ng mga bata yung pinitch sa kanila ng staff ng Star Cinema at waiting na humupa (covid) dahil sila ay ila-lock in at kung matutuloy, si direk Cathy Garcia Molina ang direktor.’’

Kaya sa LizQuen fans tiyak na magandang balita ito para sa kanila at hihintayin talaga nila ito.

 ??  ??
 ??  ?? Liza
Liza

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines