Balita

Babawi kami sa D-League–Banal

-

SA pagkakatao­ng ito, sisiguradu­hin ng Marinerong Pilipino na hindi makakahula­gpos ang kampeonato sa PBA D-League Foundation Cup.

Iginiit ni assistant coach Jonathan Banal na natuto na ang marinerong Pinoy sa karanasan sa nakalipas na season ng magtapos na runner-up ang koponan.

Tangan ang dalawang bagong players at grupo ng mga beteranong Skippers, kumpiyansa si Banal sa paglalagya­n ng koponan sa Aspirants Cup simula sa Pebrero 13.

“We’re a better team now (compared to the Foundation Cup last year). The players and the coaches have learned our lessons and know what to do now to finally win the title,” pahayag ni Banal sa pagbisita sa 52nd “Usapang Sports” ng Tabloids Organizati­on in Philippine Sports (TOPS) sa National Press Club sa Intramuros, Manila.

“Sa tingin ko, mas handa, mas malakas ang team namin ngayon kumpara last year,” aniya sa lingguhang forum na itinataguy­od ng Philippine Sports Commission, National Press Club, PAGCOR, Community Basketball Associatio­n at HG Guyabano Tea Leaf Drinks.

Malaking tulong aniya ang pagkakuha kina 6-10 Fil-Australian recruit James Laput at one-time UCBL MVP Jayboy Solis.

“Talagang puspusan ang paghahanda namin ngayon, lalo na puro mga school-based teams na matagal nang magkakasam­a, ang makakalaba­n namin ngayon. Iba yung challenge para sa team ngayon,” ayon kay Banal, naglaro para sa Mapua sa NCAA at Wang’s Ballclub sa PBA D-League

Nagpahayag naman ng kahandaan sina Laput at Solis.

“I’m ready to do whatever I can to contribute to the team’s success,” pahayag ni Laput, nakapaglar­o sa De La Salle University sa UAAP.

”My goal is to play in the PBA, so I plan to apply for the draft (in December 2020). But for now I want to learn a lot and polish my skills with Marinerong Pilipino,” ayon sa Australian-born Pinoy na nagmula sa Bulacan.

Sa karanasan sa collegiate league, hinibog si Laput sa US NCAA Division II school Young Harris College.

“Let’s see come February,” aniya.

Hindi rin pahuhuli si Solis, ngunit iginiit niyang ang tagumpay ay makakamit sa pagtutulun­gan ng bawat isa.

“We are working very hard right now to get ourselves ready for the coming D-League,” pahayag ni Solis, UCBL MVP mula sa Olivarez College kung saan may averaged siyang 22.9 puntos, 7.9 rebounds, 6.9 assists, at 3.5 blocks.

Bukod sa dalawa, sa lineup din ng Marinerong Pilipino sina highflying Jamie Malonzo, ang No. 2 pick overall sa PBA D-League draft pick,Joshua Torralba at Jollo Go ng La Salle, James Spencer ng University of the Philippine­s, Darrell Menina ng University of Cebu, at Miguel Gastador ng University of San Jose-Recoletos.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines