Balita

Aya Abesamis, bagong Bb. Pilipinas Grand Internatio­nal 2019

- Ni ROBERT R. REQUINTINA

IT’S official. Si Binibining Pilipinas 2019 first runner-up Maria Andrea “Aya” Abesamis na ang bagong Binibining Pilipinas Grand Internatio­nal 2019.

“It’s overwhelmi­ng. But actually, I would be able to continue the responsibi­lities of Bb. Pilipinas Grand Internatio­nal,” pahayag ni Aya, nang matanong hinggil sa kanyang nararamdam­an dahil sa wakas ay sout na niya Bb. Pilipinas Grand Internatio­nal sash, sa ginanap na topping-off ceremony ng first Ibis Styles Hotel sa bansa sa Araneta City , Quezon City nitong Lunes ng Hapon.

“I just learned about it a few weeks ago. I was still on vacation and then they told me what would be my responsibi­lities. That’s it,” pagbabahag­i ni Aya.

Pinalitan ni Aya si Samantha Ashley Lo na isinuko ang kanyang titulo dahil sa travel issues. Noong Hunyo 2019 pa kinoronaha­n ang Bb. Pilipinas 2019 batch of winners.

Umaasa naman ang bagong beauty queen mula Pasig, na magagamit niya ang kanyang titulo upang maisulong ang kanyang adbokasiya at matulungan ang lahat. “Just like how my sisters are doing now.”

Nang matanong kung magco-compete pa rin siya abroad, “Yun ang hindi ako sure. Hindi po namin napagusapa­n ‘yung part na iyon but as of now, I just have to do my duties.”

Ayon sa sources sa Bb. Pilipinas, tiyak na si Aya na ang magsasalin ng kanyang korona sa susunod na magwawagi ng titulo sa grand coronation ng Bb. Pilipinas 2020 beauty pageant ilang buwan mula ngayon.

Si Aya, 28, ay anak ni Miss Universe 1984 third runner-up Desiree Verdadero-Abesamis.

Ito ang kanyang ikalawang beses na lumaban sa most prestigiou­s national beauty pageant ng bansa. Noong 2018, pumasok hanggang top 15 si Aya sa Bb. Pilipinas.

Graduate si Aya ng Fine Arts saUniversi­ty of Santo Tomas. Miyembro rin siya ng Profession­al Models Associatio­n of the Philippine­s (PMAP).

“As an artist, I believe that this can empower, enable, and also inspire a lot of people or anybody at least, especially the youth and the vulnerable members of society,” pahayag ni Aya sa kanyang video speech for Bb. Pilipinas pageant.

 ??  ?? Andrea
Andrea

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines