Balita

Dimples, nagkuwento sa pinagdaana­n ng asawa

- Ni ADOR V. SALUTA Dimples

SA panayam ni Dimples Romana sa Magandang Buhay show, aminado siyang masuwerte ang taong 2019 para sa kanyang career. Bukod sa pagiging isa sa mga may importante­ng role sa Kadenang Ginto, naging sunod-sunod na ang TV, Film projects,at kaliwa’t kanang endorsemen­ts simula nang maging bukambibig ng mga kasambahay ang nasabing serye.

Umamin din si Dimples na bagama’t masaya siya sa mga blessings na dumarating sa kanyang career, lungkot naman ang dulot nang pagkakasak­it ng kanyang asawa nitong nakaraang taon.

Ikinuwento ni Dimples na hindi niya pa kayang mag-celebrate ng husto dahil sa pinagdadaa­nang kalusugan ngayon ng asawa niya.

Sa interview ng press sa aktres, naging bukas si Dimples tungkol sa kaniyang pinagdadaa­nan sa pamilya habang binabalans­e ang trabaho.

“You know I’m a very strong woman, and I try not to speak about my family so much, because I owe them their privacy. So Boyet is just getting to that tip top --nagpapagal­ing pa kasi siya hanggang ngayon,” update ni Dimples sa kalagayan ng asawa sa naganap na press conference para sa kaniyang pelikulang Block Z.

“So as much as I want to celebrate many many blessings, hindi ko masyadong ma-celebrate pa. Siguro darating tayo doon. Siguro kaya din ine-extend ni Lord yung pampaganda nang hanggang 2020 ko, kasi very supportive si Boyet.

“Can you imagine, hindi niyo ako nakitang nawala kahit saan. Pero, hindi rin ako nawala sa bahay. So you can imagine, I had to go in between tapings and shootings to be with my husband, because he needs me. Kailangan na kailangan niya ako. And kung kilala niyo ko alam niyong napaka importante sa akin ng pamilya kasi hindi niyo rin ako makikita dito kung wala ring nilang suporta.

“Ako parang, the feeling is a bit mixed because I am super grateful for all the blessings that came in 2019,” pahayag ni Dimples.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines