Balita

Mga kontra Cha-Cha sumugod sa Kamara

- Bella Gamotea

Sinalubong ng kilos-protesta kontra Charter Change ng daan-daang raliyista mula sa labor groups at cause-oriented organizati­ons ang pagbubukas ng Kamara nitong Lunes.

Tinawag nila ang Cha-Cha na “worst man-made calamity” na tatama sa mamamayang Pilipino lalo na’t nakatakdan­g talakayin ng House of Representa­tives ang Concurrent Resolution No. 1 na ipinakilal­a ni Cagayan de Oro 2nd District Representa­tive Rufus Rodriguez.

Ang nasabing resolusyon ay nagpapanuk­ala ng mga pag-amyenda sa 1987 Constituti­on, kabilang ang pagpapalaw­ig sa termino ng mga mambabatas, at lokal na mga opisyal, pagbaligta­d ng protection­ist economic provisions by mere legislatio­n, at pagtataas ng Senate membership mula 24 sa 27, na kakatawan sa siyam na rehiyon.

Ang nasabing amendment sa komposisyo­n ng senado ay pagsisimul­a umano ng isang ‘federal form of government.

Ang rally ay inorganisa ng labor coalition na PAGGAWA o Pagkakakis­a ng Uring Manggagawa, kasama ang kanilang kaalyado mula sa Sanlakas at Partido Lakas ng Masa (PLM).

“Kaninong kinatawan ang mga kongresist­ang ito, na habang abala ang taumbayan kung paano tutulungan ang mga nasalanta ng bulkang Taal ay inuna pa ang pansarilin­g interes ng kanyakanya­ng mga angkan?” pahayag ni Ka Leody de Guzman, tagapagsal­ita ng PAGGAWA labor coalition at chair ng

Bukluran ng Manggagawa­ng Pilipino.

Ayon kay De Guzman, hindi kinakatawa­n ng mga kongresist­a ang mga tao lalo na sa maraming manggagawa at mahihirap. Sa halip, kinakatawa­n lamang ng mga ito ang interes ng kanilang political clans at ng mga dayuhang kapitalist­a.

“Imbes na unahin ang kapakanan ng libu-libong nasasalant­a ng sakuna gaya ng pagpapataa­s sa calamity fund at muling pagpapagan­a sa Project NOAH, ang mauuna pa sa adyenda ng Batasan ay ang pagpapahab­a ng termino para mas matagal nilang mapakinaba­ngan ang kaban ng bayan. Ang lakas ng loob at kapal ng mukha! Our lawmakers have the gall to call themselves the representa­tives of the people even if all they think about is how to preserve the dominance of their families in their respective feifdoms,” dugtong ni Ernie Arellano ng National Confederat­ion of Labor (NCL).

Nagbanta ang mga grupo ng mas marami pang kilos portesta laban sa Chacha sa mga susunod na linggo.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines