Balita

Catriona, gustong humusay sa hosting

- Ador V. Saluta

ANG pamilya ng 2018 Miss Universe Catriona Gray ay naniniraha­n sa Australia at dahil sa nagaganap na kalamidad sa nasabing bansa, ibinahagi ng It’s Showtime guest co-host ang naging kalagayan ng kanyang mga magulang sa doon. Pero, sinigurado niya sa kanyang mga fans na safe naman daw sila at malayo sa kapahamaka­n.

“Devastatin­g talaga yung situation doon sa Australia. Pero yung mga magulang ko, thank goodness, they’re very far from the affected areas,” bungad ni Catriona.

Hanggang sa kasalukuya­ng hindi pa rin totally na naaapula ang malawakang bushfires sa ilang malaking bahagi ng Australia, na nagsimula pa noong Setyembre ng nakaraang taon. Nitong kamakailan ay ilang local at internatio­nal celebritie­s na rin ang nagpaabot ng kanilang tulong para sa mga naging apektado nito.

“If we could give whatever we could to the bushfires in Australia. Whether it be a small donation, it goes primarily to the families who have been displaced, who have lost all their homes, and are in very affected areas,” sagot ni Catriona sa amin nong makausap namin sa kanyang dressing room sa “It’s Showtime.”

Samantala, ini-enjoy ni Catriona ang pagiging host segment ng “Mini Miss U” sa It’s Showtime. Ayon sa beauty queen, ito ang kaniyang unang beses na mag-host para sa isang noon time show sa telebisyon.

“Actually super excited also super nervous din. Kasi it’s my first time hosting doon sa noontime show. But I was actually excited for the opportunit­y because I knew that I would be given a chance to grow, to really learn.

“I felt like sobrang welcome ako doon sa family nila. And they were all very welcoming with me, very kind,” ani Catriona.

 ??  ?? Catriona
Catriona

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines