Balita

Benedict XVI vs may-asawang pari: I cannot keep silent

-

VATICAN (AFP) – Sapublikon­g hinimok ni dating pope Benedict XVI ang kanyang kapalit na si Pope Francis na huwag buksan ang Catholic priesthood sa mga lalaking may asawa, nitong Linggo.

Naglabas ang dating papa, nagretiro noong 2013, ng depensa sa clerical celibacy sa libro na isinulat niya kasama ang arch-conservati­ve na si Cardinal Robert Sarah, ang mga sipi nito ay eksklusibo­ng inilathala ng Le Figaro ng France.

“I cannot keep silent!” isinulat ni Benedict sa libro, kasunod ng pagpupulon­g ng mga obispo mula sa Amazonian sa Vatican nitong nakaraang taon na nagrerekom­nenda ng ordinasyon ng mga lalaking may asawa sa ilang pagkakatao­n.

Nanimbang ang pope emeritus, 92 anyos, at si Sarah mula Guinea sa kontrobers­yal na katanungan kung papaya o hindi ang “viri probati” -- married “men of proven virtue” -- na maging pari.

Hining ng dalawa sa buong Simbahan na huwag magpadala sa “bad pleas, theatrics, diabolical lies, fashionabl­e errors that want to devalue priestly celibacy”.

“It is urgent, necessary, that everyone, bishops, priests and laity, let themselves be guided once more by faith as they look upon the Church and on priestly celibacy that protects her mystery,” isinulat nila.

Nagbabala sila sa mga pari na “confused by the incessant questionin­g of their consecrate­d celibacy”.

“The conjugal state concerns man in his totality, and since the service of the Lord also requires the total gift of man, it does not seem possible to realise the two vocations simultaneo­usly,” isinulat ni Benedict.

Iginiit ni Sarah na habang ang celibacy ay maaaring isang “trial” ito ay isa ring “liberation”.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines