Balita

Ika-125 labas

- R.V. VILLANUEVA

KUNOT-NOO si Erlyn. Sa himig ng pagsasalit­a ni Mommy, parang namamaalam na ito. Gayunman, hindi malinaw kung bakit ito nagpapasal­amat.

Kunot-noo pa rin, tanong niya: “Saan naman kayo nagpapasal­amat, Mommy?”

“Sa lahat-lahat anak.” Hinawakan ni Erlyn ang isang kamay ni mommy, ang palad. Dalawang kamay niyang dinakot ang kamay na iyon.

“Hindi ko pa rin kayo nakuha…” Ang hindi niya sinabi: May kinalaman ba ito sa pagiging ampon ko, Mommy?

“Sa lahat ng kabutikhan mo. Ninyo ng Daddy mo.”

“Higit kayong maraming nagawa sa amin ni Daddy.”

“Nasaan nga pala ang daddy mo, anak?”

“Hayun mommy. Sa tingin ko, parang naidlip.”

Tumawa si Mommy. Pilit. “Hirap na hirap na ang pobre.”

“Gusto n’yo gisingin ko, mommy?”

“Hindi na siguro, anak. Kelangan ng daddy niya kahit paano ang konting pahinga. Alam ko, ni hindi siya nakakatulo­g sa pag-aalaala sa’kin.

“May sasabihin ba kayo, mommy?” Aywan kung bakit, bigla, binundol ang dibdib niya ng matinding kaba.

“Ikaw lang naman talaga anak ang gusto kong makausap. Hindi ko pa sana gustong umalis pero alam ko, hindi na naman ‘yan maipaglala­ban!”

Parang binayo ang dibdib ni Erlyn! Halos ay alam nga niya, nila ng kanyang daddy, na hindi na nalalayo ang oras ng kanyang mommy. Hindi ba ang isang mamamatay daw at may gustong sabihin ay biglang nagiging malinaw ang isip at pananalita?

“Si Mommy! P’wede ba, ayoko ng ganitong usapan?”

“Kelangan na, iha anak. Ako ang may katawan. Alam ko kung kelan ito talagang mangyayari. At hindi kayo dapat maalarma. Dapat, noon ka pa… kayo ni Daddt, nakahanda.”

Nakatunog ang kanyang pagiyak.

Nakita niya, may mga luha na ring naglalanda­s mula sa malalalim na mga mata ni Mommy Marita.

“Mommy naman. Tama na, please…”

Hindi yata narinig ni Mommy ang sinabi niya.

Nagpapatul­oy si Mommy Marita. “Gusto ko lang malaman mo, Erlyn. Anak…mula’t sapul…hindi kita itinuring na iba!”

Alam ko na ‘yan, Mommy. Kahit hindi mo sinabi sa akin. Nagkusa akong mag-imbestiga, magsaliksi­k at …nalaman ko. Ni hindi nga kayo nagtago ng anumang adoption papers.

“Ibinigay ko sa iyo, anak, ang pagmamahal ng isang tunay na ina. O, wala naman kayo talagang adoption paper? Sino ba ang may kasalanan talaga? Ang walang pusong ina ko ba? O basta napulot lang ninyo ako kung saan?

“Aano ba ang ibig n’yong sabihin, Mommy?” Naitanong pa rin niya bagama’t alam na niya ang ibig sabihin ng kanyang ina.

Mahalaga pa ba kung may ano mang papel na ebidensiya ng pag-ampon? ‘Di ba ang mas mahalaga, inari ako… minahal ng higit pa yata sa tunay na anak. ‘Di ba ang dapat isipin mo na lamang ay magpasalam­at?

Marahil, kung may pagkakaton man na ipapel ang pag-aampon sa iyo ay hindi na rin ginawa. Marahil, wala naman silang planong ipagtapat pa sa iyo ang katotohana­n kahit kailan kaya hindi nagtago ng anumang katibayan.

“Mommy? Mommmy!”

Itutuloy...

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines