Balita

Solis-Reyes, bagay sa Supreme Court

- Ellson A. Quismorio

Hindi lamang matapang, kundi karapat-dapat din.

Ito ang paglalaraw­an ni Surigao del Norte 2nd district Rep. Robert Ace Barbers kay Quezon City Regional Trial Court (RTC) Branch 221 Judge Jocelyn Solis-Reyes, na nakikita niyang aangat ang ranggo sa hudikatura.

“Sa tingin ko karapat-dapat siya sa taas,” ani Barbers, na ang tinutukoy ay sa Supreme Court (SC).

Pinuri ng ilang miyembro ng Kamara si Solis-Reyes matapos ibaba ang hatol sa 10-taong Maguindana­o massacre trial nitong Disyembre 19.

Sa headline-grabbing promulgati­on, pinatawang guilty ni Solis-Reyes ang karamihan ng principal accused na mga miyembro ng maimpluwen­siyang Ampatuan political clan sa Maguindana­o.

“I hope she gets a higher post in the judiciary in the future,” sinabi ni Barbers, chairman ng House Committee on Dangerous Drugs.

“Her ‘ballsy’ decision not only showed wisdom, but also courage, integrity, objectiven­ess and impartiali­ty,” papuri pa niya kay Solis-Reyes.

Nauna rito, sumang-ayon sina Minority Bloc members Reps. Carlos Zarate at Ferdinand Gaite ng Bayan Muna Party-List, at Rep. France Castro ng ACT-Teachers Party-List na si Solis Reyes ay karapat-dapat sa mas mataas na puwesto batay sa kanyang kahanga-hangang paghawak sa kaso.

“Judges like Judge Reyes should serve at the highest position in the Supreme Court. She’s the type of magistrate that we need,” ani Zarate.

Binabalak naman ng ibang congressme­n, tulad ni Cavite 4th district Rep. Elpidio Barzaga Jr. na maghain ng House Resolution na naglalayon­g papurihan si SolisReyes sa kanyang “legal prowess, commitment, and bravery.”

“Despite the challenges in our legal system and in view of the recent decision on the Ampatuan case, the legal prowess, commitment and bravery of [Solis-Reyes] is highly commended,” mababasa sa draft resolution na ipinadala ni Barzaga sa mga mamamahaya­g.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines