Balita

‘Ursula’ tatama sa Eastern Visayas

- Ellalyn De Vera-Ruiz

Itinaas na ang tropical cyclone signal No. 1 sa 15 lugar, habang inaasahang magla-landfall ang bagyong Ursula sa Eastern Visayas ngayong Bisperas ng Pasko.

Sa ulat ni Philippine Atmospheri­c, Geophysica­l and Astronomic­al Services Administra­tion (PAGASA) weatherspe­cialist Chris Perez, pasado 5:00 ng umaga nitong Lunes, pumasok na sa Philippine area of responsibi­lity (PAR) ang bagyo. Ang ika-21 at huling bayo na inaasahang papasok sa bansa ngayong taon.

Base sa huling tala, dakong 10:00 ng umaga nitong Lunes, nananatili ang maximum sustained winds ng bagyo na 65 kilometers per hour (kph) at gustiness na umaabot sa 80 kph. Posible pa umanong maging severe tropical storm ang Ursula bago ito tumama sa lupa, Martes ng hapon at gabi.

Sa pagtataya nasa 790 kilometro (km) east-northeast ng Hinatuan, Surigao del Sur, ang bagyo at kumikilos pa west-northwest sa 30 kph.

Nakataas na ang Signal No. 1 sa mga probinsiya ng Sorsogon, Masbate, Ticao Island, Eastern Samar, Northern Samar, Samar, Biliran, Leyte, Southern Leyte, northern Cebu, central Cebu, northeaste­rn Bohol, Dinagat Islands, Surigao del Norte, at Siargao Islands, nitong Lunes habang nagpaalala ang ahensiya sa mga nabanggit na lugar na maghanda para sa pananalasa ng bagyo.

Inaasahan ding makararana­s ng katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan ang mga lugar ng Dinagat Islands, Siargao and Bucas Grande Islands, Eastern Visayas, Sorsogon, Masbate, Romblon, Aklan, Antique, Capiz, Iloilo, Guimaras, at northern portions ng Cebu at Negros Occidental ngayong Martes.

Habang, mahina hanggang sa katamtaman na pag-ulan ang mararanasa­n sa bahagi ng Quezon at natitirang bahagi ng Visayas, Bicol Region at Surigao del Norte.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines