Balita

(a.k.a) Magdalena

Ika-55 na labas

- R.V. VILLANUEVA

PATAY na si Ronie.

Sa buong panahon ng paglalamay sa mga labi ni Ronie, na inabot ng tatlong araw, hindi nahinto ng kaiiyak si Elsie. Sa ikalawang araw pa lamang, naubusan na siya ng boses. Pero hindi nagging dahilan iyon pa lamang, naubusan na siya ng boses. Pero hindi nagging dahilan iyon para siya ay tumigil ng pagluha. Kahit na wala nang ano mang tinig na lumalabas sa kanyang bibig, patuloy pa rin siyang sumisigaw. Mga sigaw na walang tunig. At kaydalas niyang mawalan ng ulirat. Salamat na lamang at hindi

nawawalan ng umaalalay sa naroong mga nakikirama­y.

A, sa dakong iyon ng Pilipinas, hindi pa rin kumukupas ang magandang kinamihasn­an ng pagdamay sa kapuwa. At sana, lagging ilalagay ng butihing Lumikha sa isip ng bawa’t nilalang ang ginintuang kaugaliang ito.

Kahit likas atang matigas ang puso, naramay rin siAdora sa pagdadalam­hati. Sa simula ay naroon lang siya sa isang sulok, tahimik na umiiiyak. PEro hindi siya sumisigaw. Lalong hindi tumitili.

May mga panahong si Adora ay lumalapit sa bangkay ng kanyang ama. Tititig sa mukha ng kanyang ama. Titig na titig. Matagal.

“Bakit ka naman namatay, Daa?” Halos ay pabulong lang ang pagsasalit­a ni Adora. Pero malinaw din iyong naririnig ng mga malapit sa kanya. “Bakit ka umalis? Akala ko, nang sabihin mo sakin na aalis ka, nagbibiro ka lang. Ang daya mo, ang akala ko, pakukuhani­n mo pa ako ng karerang gusto ko, Grade VI pa nga lang ako, iniwan mo kami!”

“Totoo, anak, ang sabi ng daddy mo!”Katabi na pala ni Adora ang kanyang ina. “Hindi totoong umalis na siya. Hayan siya, di ba?” May nagbubulun­gan” “Diyos ko! Ka’wawa naman si Adora!”

“Lalong kawawa si Elsie!” “BAka masiraan ng isip si Elsie.”

“Huwag naman po sana. Huwag Mo pang tulutan. Dalong magiging kaawaawa ang mag-ina!”

Patuloy abf mag-inang Elsie at Adora sa pagkausap sa nakaburol na si Ronie.

“Ronie, mahal…bumangon ka. Tinatawag ka ng anak mo.”

“Patay na siya, Mommy!”

“Hindi, anak…Hindi! Natutulog lang siya.”

“Patay na siya talaga, Mommy!”

“Sinasabi nang hindi, anak.” May galit yata sa boses ni Elsie.

“Ronie, bangon! Ipakita mo sa anak mo, talagang tulog ka lang” Bumaling sa anak. “Pasensiya ka na, anak. Tinatamad pa lang bumangon ang daddy mo. Pagod siya sa overtine, e.”

Gumapang ang bulongbulu­ngan. Mat humihikbi na. Mayroon ngang ilan na totohanang umiiyak.

May nagsabi sa kanyang katabi. “Mare, ilayo mo na nga muna si Elsie. Awang-awa na ako talaga!”

Aaa, kahambal-hambal nga palang mag-usap ang buhay at ang patay! Aino kayang may mahinang puso na hindi mahawa sa ganitong sitwasyon?

Hindi lang si Elsie kundi maging si Adora ay inilayo ng mga nakikirama­y sa bangkay ni Ronie.

Nang ikatlong araw, hindi na umiiyak si Elsie. Nakatungan­ga na lang siya sa pagkakaupo sa harap ng burol. Hindi siya sa ataul ni Ronie nakatingin. Malayo ang kanyang titig! Kung titingin lang, parang wala namang nakikita ang kaawaawang naulila kahit dilat ang kanyang mga mata.

“Elsie, uminom ka kahit kape o gatas.”

“Dalawang araw ka nang hindi kumakain. Kahit tubig, bahagya ka lang kung uminom.”

“Elsie, hindi natatapos ang mundo sa kamatayan ng asawa mo.”

Itutuloy...

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines