Balita

Cardi B, Nicki, salisa ‘Cattitude’ ni Miley

-

NA G RELEASE si Miley Cyrus ng tatlong awitin over the weekend, at tampok sa isa sa mga ito ang naging alitan sa pagitan nina Cardi B at Nicki Minaj.

Nitong Sabado, nagtanghal ang 26 taong gulang sa sa BBC Radio 1’s Big Weekend festival, kung saan niya kinanta ang bagong kanta, na mukhang mapapasama sa kanyang seventh studio album.

In one of the tracks, sa sassy rap song na may titulong Cattitude, binanggit ni Mile yang dalawang rapper, at sinabing, “I love you Nicki, but I listen to Cardi.”

Ayon sa People, maraming netizen ang napataaas ng kilay sa liriko. At mayroon din siyang iba pang social media posts na kahalintul­ad ng lyrics niya.

“I love you Selena but I listen to Demi….” caption niya sa isang one clip, tagging pals — and fellow Disney alums — Selena Gomez and Demi Lovato.

Binanggit din niya ang sarili at ang kaibigang si Ariana Grande sa isa pang post, “I love you me but I listen to Ari.”

Bukod dito, sa dalawang pang kanta na Mother’s Daughter at Dream, pinaglarua­n ni Mile yang ilang fan favorites, gaya ng Nothing Breaks Like a Heart, Party in the U.S.A. at We Can’t Stop.

Ang alitan nina Cardi at Nicki, na nauwi pa sa batuhan ng heels sa New York Fashion Week noong September, ay natapos din naman agad nang kasunod na buwan, sa tweet ni Nicki na, “Let’s focus on positive things only from here on out.” Na sinagot ni Cardi ng: “@ Nickiminaj alright then! Let’s keep it positive and keep it pushing!”

So far, wala pa sa dalawang rapper ang nagre-react sa lyrics ni Miley.

 ??  ?? Miley
Miley
 ??  ?? Card B
Card B
 ??  ?? Nicki
Nicki

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines