Balita

Desidido nang mag-diet? Kumonsulta muna

- PNA

DAHIL usung-uso ngayon ang iba’t ibang uri ng diet at fitness program, pinaalalah­anan kamakailan ng health expert ang publiko na magpakonsu­lta muna sa doktor bago sumubok ng anumang diet plan. Nang kapanayami­n ng Philippine News Agency (PNA), sinabi ni Philippine Heart Associatio­n (PHA) President Nanette Rey na ang nauusong diet at fitness regimen ay maaaring makaapekto sa kondisyon ng puso kung walang wastong medical advice. “Like ketogenic diet, it’s a high-fat diet, and it does not discrimina­te on what fat you’re taking, you could be taking the good fats and the bad fats. If you’re taking it for three months, your cholestero­l will go up, and if you’re taking a lot of bad fats, it will deposit in the veins and they will block the veins,” sabi pa niya. Aniya, ang iregular na pagpa-fasting ay isa pang paraan ng pagpapabab­a ng timbang, ngunit hindi ito umano inirerekom­enda sa mga taong diabetic at sumasailal­im sa medikasyon. “It will require you to fast for 16 hours which is too long for a diabetic patient. When a

person goes under a diet or fitness regimen, it’s always best to consult a doctor first. Find out what your risks are, which diet or fitness regimen would be best for you,” aniya.

Sa pagpili ng diet, binigyang-diin ni Rey ang importansi­ya ng pagpapanat­ili nito at pagkain nang dahan-dahan at sakto lang.

“In the long run, it is very seldom that you could sustain a fad diet, you can do that for two, four months or so but you can’t sustain it for a long time. Each kind of diet has advantages and disadvanta­ges, but generally taking more vegetables and less fats, that is much better than fad diets,” sabi pa niya.

Dagdag pa niya, ang pag-iwas sa pagkain ng matatamis, matataba at maaalat ang pinakamain­am pa ring paraan para panatilihi­ng tama ang timbang at malusog ang puso.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines