Balita

Emilia Clarke, 2 beses muntikang mamatay

-

LOS ANGELES (Reuters) - Ibinunyag ng bida ng Game of Thrones na si Emilia Clarke na dumanas siya ng dalawang brain aneurysms sa mga unang taon niya sa patok na series, at inakala niya noon na mamamatay na siya.

Sa unang pagkakatao­n, nagkuwento si Emilia, 32, na gumaganap na Mother of Dragons Daenerys Targaryen sa medieval fantasy series, tungkol sa dalawang beses na nagmuntika­n na siyang mamatay, sa isang personal essay niya para sa The New Yorker magazine.

Inilathala ang essay ni Emilia ilang linggo bago ang pinakaaaba­ngang final season ng Game of Thrones, na magpe-premiere sa HBO sa Abril 14.

Sinabi ng British actress na ang una niyang brain aneurysm ay nangyari noong unang bahagi ng 2011 sa edad na 24, ilang linggo makaraang matapos niyang gawin ang first season ng Game of Thrones. Ang pangalawa ay nangyari noong 2013, matapos niyang kumpletuhi­n ang Season 3.

Ang brain aneurysm ay pamamaga sa blood vessel na maaaring ikamatay kapag sumabog.

“Just when all my childhood dreams seemed to have come true, I nearly lost my mind and then my life,” bahagi ng essay ni Emilia na may titulong “Battle for My Life”.

Naoperahan siya sa utak kaya nagkaroon siya ng aphasia—isang kondisyon na nakaaapekt­o sa mga taong dumanas ng brain trauma, at nagkakaroo­n ng epekto sa pagsasalit­a.

“I could see my life ahead, and it wasn’t worth living,” saad pa sa essay ni Emilia. “I am an actor; I need to remember my lines. Now I couldn’t recall my name.”

Sa kanyang pagbabalik sa Season 2 ng serye, sinabi ni Emilia na madalas siyang nahihilo at nanghihina at inakala niya talagang mamamatay na siya. Kinailanga­n niya ang morphine upang makasagot siya nang maayos sa mga press interviews.

Taong 2013, ang ikalawa at mas maselang operasyon ay nagresulta sa pananatili niya sa ospital nang isang buwan, kasabay ng mga panic attacks at kawalang pag-asa.

“Going through this experience for the second time, all hope receded... I do remember being convinced that I wasn’t going to live,” sulat ni Emilia. Sinabi ni Emilia na maayos na ngayon ang kanyang kalusugan at abala siya sa Same You, isang charity para sa mga brain injury survivors na tinulungan niyang maitatag.

“There is something gratifying, and beyond lucky, about coming to the end of Thrones,” bahagi ng essay ni Emilia. “I’m so happy to be here to see the end of this story and the beginning of whatever comes next.”

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines