Balita

Marian, nagbabu muna sa ‘SPS’

- Nitz Miralles

LAST Sunday na ni Marian Rivera sa Sunday Pinasaya nitong Linggo, pansamanta­la lang ang pagpapaala­m niya, kailangan na niya kasing mag-leave para alagaan ang sarili at paghandaan ang pagsilang ng second baby nila ni Dingdong Dantes.

Hindi sinabi ni Marian ang exact date ng pangangana­k niya, although nabanggit ni Dingdong sa press visit sa taping ng Cain at Abel na sa summer na ang due date ni Marian.

Sa last appearance ni Marian sa SPS, ay dumating si Dingdong na nagkuwento­ng Monday pa lang daw, ay excited na si Marian dumating ang Sunday dahil sa airing ng show at muli na naman niyang makikita ang mga kasama sa show. Pamilya na kasi ang turing ni Marian sa mga kasama sa show.

“Totoo ‘yun, nilu-look forward ko ang SPS, pero kailangan kong alagaan ang sarili ko. Pagbalik ko, promise, sasayaw ako ng budot,” pangako ni Marian.

Alam ni Dingdong na mami-miss ng kanyang mga kasama si Marian at may pangako rin ito sa viewers ng SPS.

“Huwag kayong mag-alala, aalagaan ko ang asawa ko para pagbalik niya mas marami pa siyang dance moves na gawin. Thank you sa pag-aalaga n’yo sa kanya dito sa SPS. Thank you sa mga nagdadasal for her safe pregnancy,” sabi ni Dingdong.

Hindi lang sina Dingdong at Marian ang excited sa pagdating ng second baby nila, pati si Zia excited. “Ate” na raw ang tawag ni Zia sa kanyang sarili at sa isang video, makikitang nakahawak siya sa inilalagay ni Marian na safety precaution sa room ng baby brother niya.

Last week na ng Cain at Abel this week, ibig sabihin, magla-last taping day na rin si Dingdong. Mas maaalagaan niya nang husto si Marian dahil wala na siyang taping. Hindi pa rin siya nagsisimul­ang mag-taping ng mga gagawing pelikula, kaya madalas, nasa bahay lang siya.

Aabangan ang finale week ng Cain at Abel, hindi lang magiging maaksyon dahil madrama pa ang pagwawakas dahil finally ay malalaman na nina Daniel (Dingdong) at Elias (Dennis Trillo) na sila’y magkapatid.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines