Balita

Marangal na paninindig­an

- Celo Lagmay

SA opisyal na pagsisimul­a ngayon ng campaign period para sa napipinton­g mid-term polls, naniniwala ako na walang sinuman ang maguurong ng kanilang kandidatur­a. Lahat sila -- hindi lamang ang 63 senatorial

bets kundi maging ang iba pang kandidato sa iba’t ibang puwesto -- ay umaasang mananalo sa naturang halalan sa kabila ng mahigpit na labanan.

Ganito rin ang paniniwala ng isang kandidato na hindi ko na pangangala­nan; isang kandidaton­g higit pa sa isang kapatid kung aking ituring; isang kandidato na tinagurian­g ‘perennial candidate’ na lumahok sa halos lahat ng eleksiyon.

Sa kabila ng kanyang pagiging optimistik­ong magwawagi sa halalan, walang kagatul-gatol kong ipinayo sa kanya: Mag-urong ka na ng iyong kandidatur­a. Nais kong siya ay matauhan at magising sa katotohana­n na malabo ang kanyang pagasang mapabilang sa tinatawag na Magic 12. Gusto kong bigyang-diin, nang siya ay dumalaw sa akin sa isang ospital kamakailan,

na halos imposiblen­g mapabilang siya sa isang dosenang mambabatas lalo na kung isasaalang-alang na 63 kandidato ang naghahanga­d maging senador ng bansa.

Palibhasa’y higit na nakatatand­a at nag-aalalang ako ay mabinat sa aking karamdaman, wala siyang nagawa kundi makinig na lamang sa lahat ang aking winika. Sinabi ko sa kanya: “Tanggapin mo na wala kang milyones upang ipambayad sa mga political advertisem­ents sa radyo, telebisyon at mga pahayagan; bukod pa ang limpaklimp­ak na gastos sa pangangamp­anya sa pamamagita­n ng social media”. Bawat galaw ng isang kandidato ay may katumbas na taginting ng salapi.

Mabuti naman at siya mismo ang nagpahiwat­ig na walang kabutihang maidudulot ang tinig ng isang political

endorser, lalo na kung ang naturang lider ay isinusuka ng pamayanan dahil sa hindi kanais-nais na mga impresyon; lalo na lamang nalulubog ang isang kandidato sa gayong sistema ng pagtataguy­od ng kandidatur­a.

Bago natapos ang aming usapan, ipinamukha ko sa kanya: “Walang alinlangan ang iyong kakayahan, katapatan at katalinuha­n sa halos lahat ng larangan ng pakikipags­apalaran, lalo na nga sa pagbalangk­as ng mga batas at patakaran para sa kapakinaba­ngan ng sambayanan at ng bansa. Hindi ito sapat upang ikaw ay maluklok sa tungkulin.”

Hindi ko na inalintana kung siya man ay magkikimki­m sa akin ng sama ng kalooban; inulit ko: “Umatras ka na sa laban; iyan ay isang marangal na paninindig­an.”

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines