Balita

Castro, PBAPC POW

-

MULA sa malamyang simula, ratsada ang Talk ‘N Text Katropa sa magkasunod na panalo sa PBA Philippine Cup eliminatio­n. At ang malaking dahilan ay si Jayson Castro.

Ginamit ni Castro ang malawak na karanasan at pagiging lider upang mabigyan ang Katropa nang sapat na lakas sa kanilang kampanya, dahilan para mapili ang beteranong playmaker ng Gilas Pilipinas bilang Cignal-PBA Press Corps Player of the Week.

Tinagurian­g “Blur”, naitala ni Castro ang averaged 16.5 puntos, 4.0 rebounds, 6.5 assists at 2.5 steals para sa kabuuan ng linggo (January 21-27) sa magkasunod na panalo ng TNT laban sa NLEX at fourtime Philippine Cup champion San Miguel Beer.

Dinugo ang opensa ni Castro laban sa NLEX nitong Enero 23 sa natipang 1-of-9 sa field goal at nagtamo ng limang turn over sa loob ng 35 minutong paglalaro.

Ngunit, pinatunaya­n ng 32anyos kung bakit siya tinanghal na two-time Best Point Guard sa Asia nang kunin ang krusyal na play para sa three-pointer ni Roger Pogoy bago ang dalawang free throw na nagselyo sa panalo ng Katropa.

Laban sa itinuturin­g liyamadong koponan –Beermen – hataw si Castro sa naiskor na 24 puntos, 11 assists, limang rebounds at apat na steals tungo sa 104-93 panalo.

Magulas ang six-time PBA champion sa final quarter sa naiskor na walong puntos at tatlong assists. Bunsod ng panalo, natuldukan ng TNT ang nine-game losing skid sa Beermen mula pa noong Game 5 ng 2017 PBA Commission­er’s Cup Finals.

Ginapi ni Castro sa parangal ang kasanggang si Troy Rosario at Ryan Reyes, Rain or Shine’s Gabe Norwood at Mark Borboran, gayundin sina Phoenix forward Calvin Abueva, Jason Perkins at Matthew Wright.

 ??  ?? ZORRO! Mistulang sikat na movie character ang dating ni Troy Rosario ng Talk ‘N Text nang tangkaing makaiskor sa depensa ni ‘Super’ Mario Lassiter ng San Miguel Beer sa isang tagpo ng kanilang laro sa PBA Philippine Cup. Nagwagi ang Katropa.
ZORRO! Mistulang sikat na movie character ang dating ni Troy Rosario ng Talk ‘N Text nang tangkaing makaiskor sa depensa ni ‘Super’ Mario Lassiter ng San Miguel Beer sa isang tagpo ng kanilang laro sa PBA Philippine Cup. Nagwagi ang Katropa.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines