Balita

Ika-38 labas

- R.V. VILLANUEVA

NAPAPAILIN­G na lamang si Leo. “Sinabi ko na sa ‘yo, ‘yon nga resulta ng pagtawas ng albularyo. Ginantihan nga siya ng engkanto dahil sa pinatay niyang ahas na alaga nito.”

Hindi kumibo si Tony, pasilip-silip uli ito sa kanilang bahay.

“Nasa modernong panahon na tayo ngayon, naniniwala ka pa sa gano’n? Mag-isip-isip ka nga,” anito.

“E, hindi nga daw nakakilala ng modernong panahon ang mga engkanto,” katwiran niya.

“Talagang naniniwala kang naengkanto ang asawa mo kaya nanganak ng ahas?” pangunguli­t nito.

“Ang kulit mo naman, pare, paulitulit ka na lang. Hindi pa ka naman siguro ulyanin,” sinundan niya ng mapaklang tawa. “Sa mga hindi nakaranas na maengkanto, katatawana­n sa kanila ‘yon. Pero sa tulad kong ilang beses nang napaglarua­n ng engkanto, naniniwala ako.”

“Ewan ko lang, ha,” iiling-iling na sabi nito habang nakamata sa kanya na tila may ibig sabihin.

Sasagot pa sana siya nang sabay silang mapalingon dahil sa boses ng kanyang asawa.

“Sige, p’re mauna na ako,” anito at walang lingon-likod na naglakad.

Sinalubong niya ang asawa nang lumapit ito sa kanya.

“Anong pinagsasab­i sa ‘yo ni Tony?” hindi galit pero mariin ang pagkasabi nito.

Ipinagtaka ni Leo ang tinuran ng kanyang asawa. Napansin din niyang tila sadyang hininaan pa nito ang boses, na marahil ay ayaw nitong marinig ng kumpare niyang si Tony habang naglalakad palayo sa kanila.

“Bakit, meron bang dapat akong malaman?” tanong niya.

Umilap ang tingin ng kanyang asawa. “W-Wala, w-wala naman,” tila nauutal pang sabi nito. “Ang ibig kong sabihin, ‘yong napag-usapan niyo.”

“Wala naman kaming pinagusapa­n, kumustahan lang,” pakli niya.

“Wala ba siyang ikinuk’wento sa ‘yo?”

“Wala,” iling niya. “Kinukumust­a ka nga, e. Kung bakit hindi ka raw palalabas ng bahay mula nang magsilang ka ng ahas.”

Bumuntong-hininga ang kanyang asawa, malalim. “Nagpapahin­ga lang ‘kamo,” katwiran nito.

“Sinabi ko nga.” Tumango-tango lamang ito. “Bakit, ano bang dapat kong asahang sasabihin n’ya sa akin?” pagkuwa’y tanong niya.

“S’yempre, kalat na kalat na ang pangangana­k ko ng ahas. Baka kung ano-ano ang iisipin nila.”

“’Yon lang naman, at saka tinanong niya ako kung naniniwala ako sa mga engkanto.”

“Anong sagot mo?” napatuon ang mata nito sa kanya.

“Sinabing ko, oo, dahil ako mismo, naranasang paglaruan ng engkanto.”

Narinig niya ang paghinga ng kanyang asawa, na tila nakaramdam ng ginhawa.

“Wala talagang sinabi sa ‘yo?” uli pa nito.

“Wala nga, ano ka ba? Bakit naman masyado kang nababalisa? Me problema ba?”

“A, e wala. W-Wala,” anito at muling umilap ang tingin.

Katahimika­n. Matagal. Tila walang gustong magsalita sa kanila. Lalo siya. Dahil napuno ng katanungan ang kanyang isipan. Ano’t bigla na lang umalis agad ang kumpare niya pagkakita sa kanyang asawa. Mayroon bang nakakatako­t sa kanyang asawa? Nagkagalit ba ang mga ito? Ano’t tila nangingila­g na ito sa kanyang asawa gayong sa pagkakaala­m niya, wala namang pinagsamaa­n ng loob ang dalawa. Wala rin sinasabi ang kanyang asawa na nagkaroon ng lamat ang pagiging magkakapit­bahay nila. Dapat bang pangilagan ang babaeng nanganak ng ahas? naisaloob niya. Dapat bang katakutan ang kanyang asawa? Hindi ba’t kailangan, pangunawa ang kailangan nito at hindi dapat pangilagan?

Itutuloy...

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines