Balita

Will.i.am, may hearing condition

-

IBINAHAGI ni will.i.am sa kanyang followers ang nararamdam­ang lungkot dahil sa kanyang pakikipagl­aban sa chronic hearing condition na tinnitus.

Ayon sa Cover Media, ibinunyag ng Black Eyed Peas founding member ang diagnosis sa kanya nang kapanayami­n siya ng Sunday Times Magazine, at inamin niyang kalaunan ay unti-unting mawawala ang kanyang pandinig.

“I’m 42. When I went to the doctor and got an ear test, they said, ‘Your ears are that of someone a lot older.’ In 2007, 2013 and this year I got all my frequency tests and the curve... it’s proper loss,” aniya.

Dahil sa nalamang balita, malaki ang ipinagbago sa diet ni will.i.am at ngayon ay vegan na siya.

“I’m violently vegan,” paliwanag niya, at aniya, “(he was) fighting for a healthier me and a healthier planet”.

“I started realising... urgh, I was eating, like, rotted animal lactate... that came from freaking cow’s tit? That’s disgusting. We operate on frequencie­s that are wireless. We put satellites that orbit the planet. Why are we acting like freaking savage predators still? Haven’t we evolved?” aniya. Isiniwalat din ni will na na-diagnose siya ng attention deficit disorder (ADD) noong bata, ngunit sumailalim sa medikasyon para maiwasan at mapigilan ang epekto ng kondisyon.

Kuwento niya, kamakailan lang ay sinabihan siya ng kanyang ina niya na hindi na siya bibigyan nito ng prescripti­on drugs, at kahit na siya ay “still hyper as f**k”, hindi pa siya naapektuha­n ng kondisyon sa kanyang pang-araw-araw na pamumuhay. “The downside is that everyone else is slow,” biro niya.

Una rito, nag-post sa social media si will, 43, para sabihing “Instagram had failed to recognise him as a member of the Black Eyed Peas.”

Ibinahagi ng Voice judge ang video para sa bagong kanta ng grupo, ang Vibrations Pt. 1 Pt. 2, sa social media site, ngunit inalis ito ng mga administra­tor na nagsabing wala siyang karapatan para i-share ito.

“@Instagram just sent me an email saying I don’t own my music and I’m not in the @BEP,” tweet ni will.i.am. “If I were them, I’d be embarrasse­d... I guess even the biggest companies in tech got tech problems.”

 ??  ?? will.i.am
will.i.am

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines