Balita

Ogie, naantig sa ‘Shallow’ version ni Girlie

- Remy Umerez

ISA sa mga kampeon sa “Tawag ng Tanghalan” sa It’s Showtime si Girlie Las Piñas ng Visayas. Lubos niya kaming pinahanga ng awitin niya ang Evergreen ni Barbra Streisand mula

sa pelikulang Star is Born na recently ay ni-remake at ginampanan nina Lady

Gaga at Bradley Cooper. Laking gulat namin nang hindi na itinuloy ni Girlie na idepensa ang kanyang pagkakapan­alo. Kusa na siyang nag-back out at ngayon na lamang bumalik para sa semi finals ng “TNT”.

Ibinahagi rin ni Girlie ang kanyang personal na buhay na puwedeng isadula sa Maalaala Mo Kaya. Malaki rin ang papel ni Vice Ganda sa buhay ng singer dahil nag-donate ito ng isang pares ng artificial legs para sa asawa ni Girlie.

Sa patuloy na umiinit na tapatan ay muli naming narinig ang soulful singing ni Girlie na binansagan­g the Barbra Streisand ng Pilipinas ni Hurado Louie Ocampo. May segment ang kumpetisyo­n na ang mga hurado ang pipili ng kantang gusto nilang bigyang buhay ng mga kalahok. Ang pinili ni Ogie Alcasid na kantahin ni Girlie ay ang awiting Shallow ni Lady Gaga. Naitawid nang maayos ni Girlie ang kanta pero inamin niyang gusto na sana niyang mag-back-out dahil hindi siya pamilyar sa naturang kanta. Halos hindi raw siya pinatulog ng pagaalala kung paano niya ito ide-deliver. Gayunman, sobra pa ring naantig ang mga hurado lalo na si Ogie sa version ni Girlie ng Shallow at tuloy naisip naming baka may kaugnayan ang kanta sa personal na buhay ng singer/comedian.

Sa anim na nagtatapat­an ay nakatitiya­k kaming pasok sa top three si Girlie na siyang nakatangga­p ng highest score. Sa grand finals ay apat na lamang ang matitira dahil dalawa ang matatangga­l sa semis.

 ??  ?? Girlie
Girlie

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines