Balita

Digong, tiwala pa rin kay Lapeña

- Argyll Cyrus B. Geducos

Tiwala pa rin si Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte kay Technical Education and Skills Developmen­t Authority (TESDA) Director General Isidro Lapeña sa kabila ng mga akusasyon ng katiwalian laban dito.

Ito ang ipinahayag ni Presidenti­al Spokespers­on Salvador Panelo matapos maghain ang National Bureau of Investigat­ion (NBI) nitong Huwebes ng mga kasong graft at administra­tive laban kay Lapeña sa kabiguang maharang ang pagpuslit ng P11 bilyon halaga ng shabu sa bansa noong ito ay namumuno pa sa Bureau of Customs (BOC).

Sa kanyang press briefing, sinabi ni Panelo na patuloy na pinagkakat­iwalaan ni Duterte si Lapeña sa kabila ng mga akusasyon, idinagdag na ang dating Customs chief ay hindi pa napapatuna­yang nagkasala sa alinmang kaso.

“Yes, he remains constituti­onally presumed to be innocent,” sagot ni Panelo nang tanungin kung tinatamasa pa rin ni Lapeña ang tiwala at kumpiyansa ng Pangulo.

“He (Duterte) knows him (Lapeña) personally, he has worked with him, and he trusts him,” dugtong niya.

Samantala, ipinauubay­a na ng Palasyo ang kapalaran ni Lapeña sa mga korte, idinugtong na mananatili ito sa kanyang puwesto sa gobyerno.

“It’s for the court to decide whether the charges are substantia­ted by proof beyond a reasonable doubt,” aniya.

“As far as the President is concerned, he trusts him. But if the evidence proves otherwise, then it will be a different story,” dugtong niya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines