Balita

Preso, tinodas ng 3 kakosa

- Ni BELLA GAMOTEA

Patay ang isang preso makaraang pagtulunga­ng bugbugin ng tatlong kapwa niya bilanggo sa loob ng selda sa Parañaque City Police, nitong Linggo.

Binawian ng buhay sa Ospital ng Parañaque si Benjie Baltazar y Villanueva, nasa hustong gulang, at residente ng Talahiban Bagong Sibol, Barangay Don Galo sa lungsod.

Nahaharap si Baltazar sa kasong may kaugnayan sa ilegal na droga, at nasa kustodiya ng Parañaque City Police.

Kinilala ang mga bilanggong suspek na sina Richard Baylon y Dobria, may kasong acts of lascivious­ness in relation to RA 7610 (Anti-Child Abuse Law), ng Bgy. Baclaran, Parañaque; Andrew Barba y Galup, may kasong illegal possession of deadly weapon, at taga-Bgy. San Dionisio; at Belmar Borja y Agbuya, may kasong droga, ng Bgy. Sun Valley, pawang nasa hustong gulang.

Sa ulat ng Southern Police District (SPD), nagsimulan­g gulpihin ng mga suspek ang biktima sa loob ng custodial facility ng Parañaque Police dakong 12:30 ng tanghali, ngunit iniulat ng duty Station Tactical Operation Center (STOC) ng pulisya sa Station Investigat­ion and Detective Management Section (SIDMS) bandang 10:37 na ng gabi.

Sa pahayag ng dalawang testigo, pinagtulun­gan umano nina Baylon, Borja at Barba na gulpihin ang kapwa preso na si Baltazar sa loob ng piitan, na naawat ng hindi binanggit na detainee.

Subalit pagsapit ng 9:00 ng gabi, muling binugbog ng mga suspek ang biktima, hanggang sa sumuka ito ng dugo at nawalan ng malay sa loob ng selda.

Nang mabatid ang insidente, dinala sa pagamutan ang biktima subalit binawian din ng buhay dakong 10:07 ng gabi.

Nagsasagaw­a ng masusing imbestigas­yon ang awtoridad sa naturang kaso.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines