Balita

Arjo, gustong maging comedian

- Reggee Bonoan

“ALL my life, I’ve always dreamt of being a comedian!” Ito ang pag-amin ni Arjo Atayde.

“To be honest, ‘di ko alam kung paano ako napunta sa drama at action. Don’t get me wrong, I’m thankful, grateful, and blessed to have had the opportunit­y to do such roles.

“After 7 years of concentrat­ing on being a villain in drama or action, who would have thought that my first lead role in a movie would be comedy? I tell you this, God has his ways of making your dreams come true. It might not be now but if you work enough for it, it will happen.

“Thank you again to Reality Entertainm­ent @erikmatti @dondonmont­everde for actually making Biggie Chen

(Buy Bust), and Lando (‘TOL)

happen.

“Ladies and gentlemen this coming January 30, 2019, one of my dream roles is about to happen alongside @senorita_jessy , @opisyali.ketchup , and @joross_gamboa - had fun shooting with the

3 of you. One for the books! #TOL KAGULO

TO! Directed by: @ mikopunch,” post ni Arjo sa kanyang Facebook account kamakailan.

Sa mga hindi nakakaalam ay totoong mahilig magpatawa ang aktor, maloko siya, at in fairness hindi naman siya pikon kapag siya naman ang bibiruin dahil tatawanan ka lang.

Aliw na aliw kami kapag nagkukuwen­tuhan sila ng kapatid niyang si Ria Atayde, dahil sila lang ang nakakainti­ndi ng pinaguusap­an nila, kasi naman parehong Inglesero.

Sabi nga ng nanay nilang si Sylvia Sanchez kapag nakikita niyang tawa lang nang tawa ang magkapatid: “Naku mga siraulo ‘yang mga ‘yan, mata sa mata lang sila naguusap, tapos tatanungin ko kung ano, biglang magtatawan­an. May sarili silang lengguwahe na hindi mo maiintindi­han,” kuwento ng aktres. Bata pa lamang ay nakita na ng mga magulang ni Arjo na kenkoy at makulit ito. “Gusto niyang maging Jim Carrey ng Pilipinas. Ewan ko diyan,” saad ni Ibyang. Kaya pala nang malaman ng aktor na kasama niya sina Joross Gamboa at Ketchup Eusebio sa

‘TOL ay talagang um-oo na siya plus nalaman ding si Jessy Mendiola ang leading lady nila.

Si Direk Miko Livelo lang ang hindi pa kilala ni Arjo kaya inamin niyang ipinagtano­ng niya ang direktor sa mga nakatrabah­o na nito tulad ni Enchong Dee na malapit na kaibigan din ng aktor at sinabi nga na sobrang okay ang direktor.

Ganu’n ang ugali ni Arjo, nireresear­ch niyang maigi ang lahat ng taong makakatrab­aho niya para may ideya siya.

Anyway, mapapanood na ang

‘TOL sa Enero 30, mula sa Reality Entertainm­ent at may premiere night sa Trinoma Cinema sa Martes, Enero 29.

 ??  ??
 ??  ?? Arjo
Arjo

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines