Balita

MAYOR SUGATAN, MISTER TODAS

2 pa nasawi sa Cebu ambush

- Ni AARON RECUENCO Aaron Recuenco

Sugatan si San Fernando, Cebu Mayor Lakambini Reluya habang napatay ang mister nitong kumakandid­atong sa pagkaalkal­de at dalawang iba pa matapos silang ambusin ng mga hindi nakikilala­ng lalaki sa Talisay City sa nasabing lalawigan, nitong Martes ng gabi.

Kaugnay nito, bumuo na ang Philippine National Police (PNP) ng special investigat­ion group upang mapadali ang pagresolba sa pamamaslan­g kay mayoral bet at incumbent barangay chairman Ricardo Reluya, Jr., sa driver ng pamilya Reluya na si Allan Bayot at sa opisyal ng local economic investment­s and promotions ng San Fernando na si Ricky Monterona.

Sa naturang insidente, nakaligtas ngunit sugatan sa pananamban­g ang asawang si incumbent San Fernando, Cebu mayor Lakambino Reluya at dalawang bodyguard nito, na pawang isinugod sa ospital.

Ayon kay PNP Chief Director General Oscar Albayalde, kabilang lamang ang anggulong may kinalaman sa pulitika ang isa sa sinisiyasa­t ng nasabing special investigat­ion task force.

“Politician­s would always point to their opponents but it not necessaril­y the angle which we would concentrat­e. But local politics is one of the angles that we are looking into,” ayon kay Albayalde.

“The PNP condemns this violent attack. I have given instructio­ns to the Regional Director of Police Regional Office 7, to provide round the clock security to Mayor Reluya, Giovani Perez and Tolentin Jefer while they undergo treatment at a local hospital due to gunshot wounds suffered in the attack,” pahabol nito.

Ayon kay Albayalde, layunin din ng imbestigas­yon na matukoy ang mga suspek at mastermind sa insidente upang mapanagot ang mga ito.

“I am confident that in due time, we will achieve a breakthrou­gh in our investigat­ion under the same investigat­ive framework that we applied in similar cases of violence against elective government officials,” sabi pa ni Albayalde.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines