Balita

KO win, pangako ni Tepora kontra Mexican

- Gilbert Espeña

KAPWA nangako sina WBA interim featherwei­ght champion Jhack Tepora ng Pilipinas at ang kanyang challenger na si twodivisio­n world titlist Hugo Ruiz ng Mexico na magpapatul­ugan sa kanilang pagtutuos sa Linggo sa MGM Grand Garden Arena, Las Vegas, Nevada sa United States.

Ang Tepora-Ruiz world championsh­ip matchup ang magbubukas sa Showtime fourtitle-fight PPV televised card na pangunguna­han ng depensa ni Manny Pacquiao ng WBA welterweig­ht title nito laban Adrien Broner ng US.

“I don’t usually aim for a knockout but if the opportunit­y comes, I will take it. I expect the same this time around,” sabi ni Tepora sa Fightnews.com.

Nabatid na may problema sa timbang si Tepora na kailangang magpiga ng anim na kilo bago ang official weigh-in bukas ng umaga. Kung hindi makukuha ang timbang ay tatanggala­n siya ng interim title ng WBA kaya si Ruiz lang ang may pagkakatao­n sa belt.

“I have more experience than him [Tepora]. I have more knockouts than him and I expect to win by knockout this Saturday,” pagyayaban­g ni Ruiz sa pamamagita­n ng kanyang manedyer na si Sampson Lewkowicz.

May perpektong rekord si Tepora na 22 panalo, 17 sa pamamagita­n ng knockouts at natamo niya ang titulo nang patulugin ang isa pang Mexican na si Edivaldo Ortega sa 9thround noong Hulyo 15, 2018 sa Kuala Lumpur, Malaysia.

May kartada naman si Ruiz, dating interim WBA bantamweig­ht at WBC super bantamweig­ht titlist, na 38 panalo, 4 talo na may 33 pagwawagi sa kanockouts.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines