Balita

We do not need lectures –Malacañang

- Genalyn D. Kabiling

‘Wag nang pangaralan ng mga hindi naman ekspertong foreign groups ang pamahalaan­g Duterte kung paano patakbuhin ang bansa, idineklara ng Malacañang kahapon, sa pagbasura sa mga alegasyon ng isang United Statesbase­d organizati­on na ang Pilipinas ay nasa war zone in disguise.

Sinabi ni Presidenti­al Spokesman Salvador Panelo na ang ulat ng Armed Conflict Location and Event Data Project (ACLED) tungkol sa Pilipinas ay “remarkable in ignorance and bias” kasabay ng pagpapasin­ungaling sa mga alegasyon na ang anti-drug crackdown ay isang state terror campaign na pinupuntir­ya ang mga sibilyan.

Ayon kay Panelo, halatang hindi nag-imbestiga ang banyagang grupo sa sitwasyon ng bansa at naniwala lamang sa mga alegasyon ng mga grupong “hopelessly and blindly critical” sa administra­syon.

“To ACLED we say, as we have repeatedly conveyed to other foreign human rights organizati­ons, we do not need lectures from inexpert foreign groups on how to run a nation,” aniya.

Ayon sa ulat ng ACLED, ang Pilipinas ay nasa “war zone in disguise” sa gitna ng mga pamamaslan­g sa mahigit 1,000 sibilyan noong 2018 dahil sa madugong kampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa ilegal na droga. Diumano’y mas mataas ang bilang ng mga namatay kaysa fatality count sa magugulong bansa tulad ng Iraq, Somalia o Congo.

Isinama rin ng ACLED, isang non government organizati­on na nangangala­p at nag-aanalisa ng data sa political violence at mga protesta sa buong mundo, ang Pilipinas sa listahan ng “deadliest countries for civilians” noong 2018.

Gayunman, kinontra ni Panelo ang hindi makatotoha­nang findings ng ACLED tungkol sa bansa.

“The report stating that there is an alleged prevalence of state repression tagging the Philippine­s as a country where civilians are most at risk in 2018 is an infinitely fallacious finding,” aniya.

Iginiit ni Panelo na ang anti-illegal drug campaign ay “governed by strict police protocols that subject the police officers to accountabi­lity.”

“Make no mistake about it, the Philippine­s is a dangerous country to drug manufactur­ers, dealers, addicts, criminals, terrorists, scoundrels, corrupt and abusive persons in authority,” paglilinaw niya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines