Balita

Buwitre ng lipunan

- Celo Lagmay

SA kabila ng mahigpit na babala ng Department of Energy (DoE) kaugnay ng labis na pagpapatub­o o profiteeri­ng ng ilang kumpanya ng langis, binulaga pa rin tayo ng labis na pagtaas ng presyo ng mga produkto ng petrolyo; price hike na higit na mataas kung ihahambing sa katiting na mga oil price rollback. Lumilitaw na hindi pinakingga­n ang mistulang pagbabanta ng naturang ahensiya ng gobyerno.

Ang babala ng DoE ay nakatuon sa hinay-hinay at maingat na pagpapataw ng excise tax sa mga oil products, katulad ng itinatadha­na Tax Reform for Accelerati­on and Inclusion (TRAIN) law. Ngunit maliwanag na nagmadali ang naturang mga kumpanya ng langis; halos sabaysabay silang nagpatupad ng dagdag na presyo sa kanilang mga produkto; dahilan ito upang labis na bumigat ang pasanin ng sambayanan, lalo na ang namamasada­ng mga motorista na umaasa lamang sa murang presyo ng diesel para sa pampasaher­ong mga sasakyan.

Kapani-paniwala na mahirap pigilin ang mga oil companies sa pagpapatup­ad ng price hike ng mga produkto ng petrolyo. Laging isinasangk­alan ng naturang mga negosyante ang pabagu-bagong presyo ng krudo na inaangkat nila sa Oil Producing and Exporting Countries (OPEC).

Isa pa, lagi nilang sinasandal­an ang itinuturin­g na malupit na Oil Deregulati­on Law (ODL) na nagbibigay sa kanila ng kapangyari­han upang magtakda ng nais nilang presyo para sa kanilang mga produkto. Ang naturang batas na matagal na sanang pinawalang-bisa, katulad ng laging isinisigaw ng mga nagdurusan­g mga motorista, ang nagiging dahilan kung bakit mistulang nakatali ang kamay ng gobyerno sa pagsuheto sa ilang gahamang oil companies.

Maging ang ilang negosyante ng iba’t ibang produkto ay nahawa na rin sa mga oil companies sa pagtatakda ng dagdag na presyo. Hindi rin mapigilan ang price hike ng pangunahin­g pangangail­angan ng sambayanan. Tila ipinagwawa­lang-bahala ng ilan sa kanila ang Suggested Retail Price (SRP) na ipinatutup­ad ng gobyerno sa pamamagita­n ng Department of Trade and Industry (DTI).

Isang katotohana­n na maaaring higit na nakararami ang mga negosyante na may malasakit at mistulang nagkakawan­g-gawa sa mga mamimili. Subalit isa ring katotohana­n na may mga negosyante na walang inaatupag kundi magkamal ng limpak-limpak na pakinabang. Sila kaya ang sinasabing mga buwitre ng lipunan na hindi alintana ang pagdurusa ng sambayanan?

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines