Balita

Perpetual, winalis ang NCAA volleyball elims

- Marivic Awitan

PORMAL na umusad sa men’s division finals ang season host University of Perpetual Help matapos makumpleto ang 9-game sweep sa eliminatio­ns pagkaraan ng 25-21, 25-21, 25-13 pagwalis sa Jose Rizal University kahapon sa NCAA Season 94 Volleyball Tournament sa Filoil Flying V Center sa San Juan.

Nagtala ng 14 puntos si Ronnel Rosales, siyam ay galing sa kills at apat sa blocks at isang ace upang pamunuan ang Altas sa pagkopo ng outright finals berth.

Nag-ambag naman si last season Rookie-MVP Joebert Almodiel ng 12 puntos, lahat galing sa hits para ganap na mawalis ang preliminar­y round.

Kinailanga­n lamang ng Altas ng 56 na minuto para madispatsa ang Heavy Bombers na tuluyan ng nawalan ng loob pagkaraan ng dalawang dikit na talo sa unang dalawang sets.

Pinaulanan din nila ng hits ang Mandaluyon­g-based squad,45-28, gayundin ng block kills,9-2 at inungusan din sa service aces,5-2.

Tanging sa digs lamang nakaungos ang Heavy Bombers na pinamunuan ni June Laxina na may 10 puntos sa itinala nilang 33 kumpara sa 31 ng Altas.

Dahil sa kabiguan, tumapos ang JRU na nasa ilalim kasalo ng Mapua at San Beda na may markang 2-7.

Maghihinta­y na lamang ng makakalaba­n ang Altas mula sa magwawagi sa isasagawan­g stepladder semifinals na magsisimul­a sa Martes-Enero 22 kasabay ng Final Four ng women’s kung saan unang magtutuos ang no.4 seed Emilio Aguinaldo College Generals at third seed Arellano Chiefs para sa karapatang kalabanin ang no.2 team College of St. Benile Blazers para sa huling finals slot.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines