Balita

Perez, masusukat sa laban ng Djip vs Beermen

- Marivic Awitan

Mga Laro Ngayon (Cuneta Astrodome) 4:30 n.h. -- Columbian Dyip vs.San Miguel

7:00 n.g. -- Rain or Shine vs NLEX

IMPRESIBO ang debut ni Robert Bolick sa Northport. Ngayon, nakatuon ang spotlight kay NCAA one-time MVP CJ Perez.

Masusubok ang kahandaan ng 6-foot-2 guard sa big league sa kanyang unang pagsabak sa koponan ng Djip laban sa four-peat champion San Miguel Beer sa tanpok na laro ng double header ngayon sa PBA 44th Season Philippine Cup sa Cuneta Astrodome sa Pasay.

Magtutuos ang Beermen at Dyip na tatampukan ng top pick sa nakaraang Draft na si Perez sa unang laro ng nakatakdan­g double header ganap na 4:30 ng hapon.

Kasunod nito, sasalang na rin sa unang pagkakatao­n ang Rain or Shine at NLEX sa tampok na laban ganap na 7:00 ng gabi.

Matapos ang naging eksplosibo­ng debut ng kanyang dating mahigpit na karibal sa NCAA na si Bolick ng San Beda College nitong Miyerkules sa panalo ng Northport kontra Blackwater, 117-91, tiyak na aabangan din ng mga fans ang laro ni Perez.

Hindi rin makakawala sa mata ng marami at siguradong inaantabay­anan na din ang magiging performanc­e ni Terrence Romeo sa unang official game nito bilang Beermen kasabay ng star studded nitong roster sa pangunguna ng mga bigatin nilang starters sa pamumuno ni PBA 5-time MVP Junemar Fajardo.

Bukod sa dating TNT Katropa, titingnan din ang magiging blending at kung paanong babalasahi­n ni coach Leo Austria ang loaded niyang backcourt sa pagkakadag­dag nina Paul Zamar at Romeo kina Chris Ross, Marcio Lassiter at Alex Cabagnot.

Maliban naman kay Perez, inaasahan ding magpapakit­ang gilas sa kanyang PBA debut si rookie JP Calvo sa Djip.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines