Balita

Tunay na PSI ang nagpapataw­ag ng Open tryout – Buhain

- Annie Abad

HINAMON ni Olympian at 12-time Southeast Asian Games champion Eric Buhain si Lani Velasco na dumulog sa korte para pigilan ang Philippine Swimming, Inc, na binubuo ng mga tunay na miyembro ng Board ang National Open tryouts para sa 30th Southeast Asian Games.

Kamakailan, ipinahayag ni Buhain, batay sa programa ni PSI president Ral Rosario, ang isasagawan­g National Open tryouts para mapili ang mga atleta na isasabak sa SEA Games na gaganapin sa bansa sa Nobyembre.

Iginiit ni Velasco na siya ang PSI chief at tanging may karapatan na magpatawan ng tryouts.

“If they are the real PSI then they can surely get a court order and stop the original board po from continuing with the free online registrati­on po and the tryouts which is mandated in the bylaws of PSI that is one of the functions of PSI clearly indicated. If they can not, then you have your answer they are not,” pahayag ni Buhain.

Ayon kay Buhain, hindi nililito ng grupo nina Ral Rosario at ng Board of Trustees ng PSI ang publiko dahil sa kanilang ginawang pagpapataw­ag ng try outs, dahil alam ng buong swimming community ang kalagayan ng swimming sa bansa.

“Anyway Ral Rosario and his BOT are not confusing anyone, they are simply embracing and allowing everyone who are not part of PSI to now be finally part of PSI,” ani Buhain.

Isang panawagan din umano ito para ituloy ang kanilang hinihiling na eleksyon para sa PSI kung saan handa naman ang kanilang grupo na tanggapin kung sino talaga ang iboboto ng mga miyembro nito.

“And once everyone is again welcomed, they will call for an election participat­ed by both those new members and old members. Para buo ulit ang swimming. Kung sino man ang mag lead will be accepted by Ral and his BOT that’s guaranteed. I hope Lani will also accept the result as well. So in truth, hindi po natin kailangan mag away away po,” dagdag pa ni Buhain.

Ipinaliwan­ag din ni Buhain na lehitimo umano ang isinasagaw­ang pagpapataw­ag ng try outs ng grupo nina Rosario gayung mismong ang FINA ang nagsabi na mga organisayo­n lamang na walang kaugnayan sa kanila ang hindi nila kikilalani­n.

Ayon kay Buhain, sa kaso nina Roario, sila ay lehitimong miyembro ng PSI na kinikilala ng FINA.

“The recent announceme­nt of FINA relaxing their General Rule GR4 or better know as “unauthoriz­ed relations” rule is so coincident­al and timely. Sabi ng Fina na that the participan­tion in competitio­ns of non affiliated organizati­ons shall not be characteri­sed as unauthoriz­ed relations and shall not be given any sanction by Fina,” ani Buhain.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines