Balita

Broner, naging ‘racist’ sa Pinoy fans

- Ni NICK GIONGCO

LAS VEGAS – Dahil sa kabiguang maasar si Manny Pacquiao, itinuon ni Adrien Broner ang pagiinsult­o sa Pinoy boxing fans.

Sa final media press conference nitong Miyerkules (Huwebes sa Manila) para sa kanilang World Boxing Associatio­n (WBA) welterweig­ht title fight sa MGM Grand Arena sa Enero 19 (Linggo sa Manila), nanginbaba­w ang pang-iinsulto ni Broner sa Pinoy fans para makuha ang atensyon ni Pacman.

“I’ve got a cat for you for dinner,” pahayag ni Broner, pasaring sa mga tagahanga ni Pacquiao na sumugod sa David Copperfiel­d Theater.

Dinugtunga­n pa ito ni Broner kalaunan.

“I’ve got a sautéed German Shepherd for you in the back,” sambit ng 29-anyos fourdivisi­on champion mula sa Cincinnati, Ohio.

Ang mga pahayag ni Broner ay direktang pasaring sa nakaugalia­n ng mga Pinoy na pagkain ng lutuin sangkap ang karne ng aso.

Nauna nang binanatan ni Broner ang boxing analyst na si Al Bernstein, hinggil umano sa pagiging bias nito at pagsuporta kay Pacman.

Sa kabila ng pagiging underdog sa kanilang 12-round fights, iginiit ng American fighter na siya ang magwawagi.

“I didn’t come here to lose. I didn’t come here to lie down,” pahayag ni Broner, tangan ang 33-3-1 karta tampok ang 24 KOs.

Ibinida naman ni Leonard Ellerbe, manager ni Broner, handa sa laban ang kanyang alaga.

“He didn’t cut one corner doing this entire training camp. Adrien Broner is coming to show everyone in the world what he is all about. I expect nothing less but a great and dominating performanc­e,” sambit ni Ellerbe.

Para kay Showtime Sports president Stephen Espinoza, walang dahilan para matalo si Broner.

“He takes tough fights…he has demonstrat­ed he is an elite fighter,” aniya.

 ?? MP PROMOTION ?? HANDA NA! Humarap sina Manny Pacquiao at American challenger Andrien Broner sa media matapos ang final media conference para sa kanilang duwelo sa Enero 19 (Linggo sa Manila) sa Las Vegas, Nevada. Nakatakda ang weigh-in ngayon.
MP PROMOTION HANDA NA! Humarap sina Manny Pacquiao at American challenger Andrien Broner sa media matapos ang final media conference para sa kanilang duwelo sa Enero 19 (Linggo sa Manila) sa Las Vegas, Nevada. Nakatakda ang weigh-in ngayon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines