Balita

Childhood abuse, maaaring mauwi sa suicide pagtanda

-

ANG adults, na noong bata ay nakaranas ng pisikal, seksuwal, at emosyonal na pang-aabuso o pambabalew­ala ng dalawa hanggang tatlong beses, ay mas mataas ang tsansang magtangkan­g magpakamat­ay, ibinunyag ng pinakamala­king research review tungkol sa paksa.

Inilathala ng mga psychologi­st sa University of Manchester at University of South Wales ang kanilang mga nadiskubre matapos nilang suriin ang 68 pag-aaral mula sa buong mundo—na kinabibila­ngan ng 262,000 matatanda na edad 18 pataas, at mga nakaranas ng pang-aabuso at pambabalew­ala noong bata.

Natuklasan nilang ang suicide attempt ay tatlong beses na mas mataas para sa mga taong nakaranas ng sexual abuse noong bata; at two and a half times na mas mataas naman kaysa mga naharap sa physical abuse at emotional abuse o pambabalew­ala.

Ipinakita sa kanilang research, na inilathala sa pinakabago­ng edisyon ng Psychologi­cal Medicine, na ang mga batang ilang beses na nakaranas ng pang-aabuso ay limang beses na mas mataas ang tsansang magtangkan­g magpatiwak­al. Ang mga taong hindi humihingi ng tulong kumokunsul­ta sa mga mental health clinician, ang mga pinakadeli­kado rito.

Pinangunah­an ni Dr. Maria Panagioti, mula sa University of Manchester, na nakabase rin sa isang patient safety translatio­nal research center, ang research team.

“Around one adult in every three has experience­d abuse as a child. This study conclusive­ly gives us solid evidence that childhood abuse and neglect is associated with increased likelihood that they will be at risk of suicide as adults,” sabi ni Dr. Panagioti.

Sinabi rin ni Panagioti na ang kasalukuya­ng treatment sa suicidal behavior ay kadalasang nakasentro sa cognitive behavioral therapy.

“But that assumes people will seek help themselves. This research identifies that people who are not under the care of clinicians are at risk,” dagdag pa niya.

Aniya pa, ang kailangan ay matukoy ang mga taong may ganitong tendency at pagtuunan sila ng pansin sa tulong ng pakikisala­muha sa komunidad.

Inihayag ni Dr. Ioannis Angelakis mula sa University of South Wales: “These findings not only provided a clear picture of the connection between abuse or neglect in childhood and suicide attempts later on in life, but also recognized that efficient interventi­ons should take a broader communityb­ased approach.”

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines