Balita

Enero 21, holiday para sa BOL plebiscite

- Nina ARGYLL CYRUS B. GEDUCOS at FRANCIS T. WAKEFIELD

Idineklara ng Malacañang ang Enero 21, 2019 bilang isang special non-working holiday sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM), Isabela City, at Cotabato City para sa plebisito sa ratipikasy­on ng Bangsamoro Organic Law (BOL).

Nilagdaan ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang Proclamati­on No. 646 na nagdedekla­rang holiday sa mga nasabing lugar sa Enero 21 upang bigyang daan ang plebisito na isasagawa ng Commission on Elections (Comelec).

Batay sa Proclamati­on, ang deklarasyo­n ay para mabigyan ng pagkakatao­n ang mga mamamaya ng ARMM, Isabela City at Cotabato City na aktibong makilahok sa botohan.

Sa kanyang press briefing sa Palasyo, sinabi ni Presidenti­al Spokespers­on Salvador Panelo na ang plebisito para sa ratipikasy­on ng BOL ay tinalakay din sa command conference nitong unang bahagi ng linggo.

“It was discussed. It will push through as scheduled. President will go there tomorrow and make a pitch for the ratificati­on,” sinabi ni Panelo, na ang tinutukoy ay ang pagdalo ni Duterte sa peace assembly para sa ratipikasy­on ng panukala sa Cotabato City bukas.

“The President was in favor of BOL. It’s just logical for someone who is in favor of a particular idea to make a pitch for it,” aniya pa.

WALANG BANTA Samantala, sinabi kahapon ni Armed Forces of the Philippine­s (AFP) Chief of Staff General Benjamin Madrigal, Jr. na wala silang nakikitang anumang malaking banta na maaaring makagambal­a sa BOL plebiscite sa Lunes.

Sa isang panayam matapos bisitahin ang kanyang mga

tropa sa 104th Infantry Brigade ng Army sa Isabela, Basilan sa ilalim ni Colonel Fernado M. Reyeg, positibo ang assessment na ibinigay sa kanya, lalo na sa security preparatio­ns na kanilang inilatag.

“Based on the (security) briefing that was given to me by the Commander of the 104th Brigade Colonel Reyeg, so far they have prepared and they do not foresee threat sa safe and free conduct of the plebiscite,” ani Madrigal sa reporters.

Sinabi niya na sa araw ng plebisito ay naroon siya sa Davao para dumalo sa turn-over ceremony ng Eastern Mindanao Command (EastMinCom).

“I will monitor the situation from there. I will be in Mindanao up to January 21,” aniya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines