Balita

PNP NANINDIGAN SA PROFILING

ACT Party-list, dumulog na sa korte

- Ni AARON B. RECUENCO

Nanindigan ang Philippine National Police (PNP) na itutuloy pa rin nila ang paniniktik sa mga miyembro ng isang teacher’s group, kahit pa pormal nang naghain ng petisyon ang grupo sa Court of Appeals upang kuwestiyun­in ang legalidad ng nasabing hakbangin ng pulisya.

Iginiit ni PNP spokesman Chief Supt. Benigno Durana na hindi paglabag sa Konstitusy­on ang ginagawa nilang profiling, o intelligen­ce gathering laban sa mga kasapi ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) Party-list.

“The Philippine National Police is the national police force mandated with the duty to enforce the law and maintain peace and order as a function of government,” pagdidiin ni Durana.

Sa petisyon ng ACT sa korte, iginiit ng grupo: “(We) seek to declare the memoranda of the PNP giving the green light for the conduct of the profiling of ACT members and affiliates in public schools as illegal and unconstitu­tional for violating basic human rights on freedom of associatio­n and assembly, freedom of expression, to privacy and to labor.”

Paliwanag pa ng ACT, nangangamb­a na ang mga miyembro nito para sa kanilang kaligtasan at privacy, dahil na rin sa isinasagaw­ang paniniktik sa kanila ng pulisya.

Nilinaw naman ni Durana na alinsunod sa batas ang kanilang hakbangin, dahil pinoprotek­tahan lang nila ang mamamayan laban sa mga kaaway ng gobyerno.

Binanggit din ni Durana na mismong si Communist Party of the Philippine­s founding Chairman Jose Maria Sison ang nagbanggit sa ACT bilang isa sa mga umano’y front organizati­on ng New People’s Army (PNP) kaya naman may katwiran, aniya, ang ginagawang profiling ng pulisya laban sa grupo.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines