Balita

Michael Angelo Lobrin, dapat bigyan ng talk show sa mainstream TV

- Ni DINDO M. BALARES

ISA sa mga inaabangan naming mapunta sa mainstream television si Michael Angelo Lobrin, ang gifted communicat­or na naging battered child, street vendor, sakristan, naging scholar sa seminaryo ni Sen. Edgardo Angara, at ngayon entreprene­ur, author, comedian, producer at consultant ng maraming congressma­n at senators.

Uplifting at endearing ang humor ni Michael Angelo kaya may niche siyang natagpuan sa local entertainm­ent industry. Umabot na sa 13th season ang kanyang #MichaelAng­elo The Sitcom sa GMA News TV na laging loaded ng sponsors. Magsisimul­a ang bagong season ng show sa Enero 27, Linggo. Satisfied ang Bounty Fresh, Chooks To Go, Uling Roasters, Hanabishi, Bon Appetea, Owwe, Reyal, Papa Dans, RC Cola, Skin Magical, JGX at PCSO kaya hindi bumibitiw ang mga ito sa kanyang show.

“Sa awa po ng Diyos at tulong ng mga sponsors, umabot na po sa Season 13 ang sitcom at siyempre po may mga bagong katatawana­n, bagong kuwento na kaiibigan ng ating mga sitcom follower at siyempre mga karakter na magbibigay ng katotohana­n sa buhay at mga inspirasyo­n. Lumalaki po ang pamilya at iyon po ang pangarap natin, walang nawawala kundi nadadagdan kasi mas masaya kung marami. Kaya nagpapasal­amat po ako sa mga artistang nakasama namin sa matagal na panahon, hindi kami iniwan,” kuwento ni Michael Angelo nang humarap sa presscon kamakailan. Regular cast ng #MichaelAng­elo: The Sitcom sina Derek Monasterio, Bentong Sumaya, Janver, May Bautista, Lovely at iba pa.

“Hindi lang po sa hapon ito mapapanood, may replay din po sa gabi at may bonus pa at sana po matuloy na magkakaroo­n ng #Michael Angelo Lenten Reflection­s sa umaga. Kaya mapapanood na sa umaga, hapon at gabi.”

May game show rin siyang sisimulan na ang konsepto ay pinaghalon­g

Eat Bulaga at

Wowowin.

“Hindi po kami mahihiyang sabihin na iyon po ang tinitingna­n namin pero itwi-twist lang po namin, puwede pong sabihin na combinatio­n ng ‘Eat Bulaga’ at ‘Wowowin’. Siyempre hindi naman po namin gagayahin sila kasi mas mahusay po sila, pero may gano’ng touch kasi ang balak po namin, game show with variety show na may kumakanta, may sumasayaw kasi gusto kong i-maximize po ‘yung talent ng aking mga artista kaya may game show at variety show po.”

Walang conflict sa Eat Bulaga at

Wowowin ang kanyang game show.

“Nasa GMA News TV naman po kami, so hindi po kami pareho ng network. In fact sila nga po inspirasyo­n namin at nakita namin kung paano sila nakapapagp­asaya sa mga tao. But this time sa GMA News namin gagawin.

Dahil likas na mahusay magsalita at matulungin, sa katunayan ay persons with disability at masa ang nakikibang sa pagbebenta ng kanyang mga produkto, kaya inusisa siya ng mga katoto kung may ambisyon siyang pumalaot sa pulitika.

“Marami nga pong nagtatanon­g sa akin kung magpupulit­iko ako, ang mga Lobrin po ay pulitiko sa Batangas, ang lolo ko po ay congressma­n dati sa Lipa. Pero sa ngayon po wala akong balak.

“Ang isang trabaho ko po ay adviser po ako ng mga pulitiko, ghostwrite­r, speech writer at ang hawak ko po ngayon, siyam na Senador, 30 congressme­n at apat na gobernador. So, consultanc­y lang

po ako, medyo magaling po ako sa branding.

“Kung may kakilala po kayo sa Isabela, ako po ang gumawa ng tagline na ‘Masayang masiglang nagkakaisa ang Isabela’ ni Governor Bojie Dy. Medyo busy po ako, pero ngayong malapit na ang eleksiyon, ilan lang po ‘yung tinulungan ko nang patahimik.

“Although I’m into politics, malinaw po ang values ko, I always tell my clients politician­s na at the end of the day it’s still about public service.”

May biniro raw siyang kaibigang kongresist­a.

“Tsinek ko ang distrito niya, ‘Ito lang ang programa mo, Oplan Tule,’ sabi ko, ‘Congressma­n, tumigil ka na, wala nang balata ang mga tao d’yan. Gumawa ka ng matibay na programa,” nakakaaliw na kuwento ni Michael Angelo.

Inspiratio­nal speaker din siya na madalas imbitahin ng Top 1000 Corporatio­ns sa Pilipinas.

“Kung hindi po tao ang mga empleyado mo, idadaan mo sila sa akin, gagawin ko silang matitinong workers,” may himig pagbibiron­g sabi niya.

Credible na manghikaya­t si Michael Angelo sa ating mga kababayan para pumasok sa small business, dahil napapalago niya ang kanyang mga negosyo. Ang isa sa mga bago niyang negosyo ay ang Simply Suka na itinitinda ng vertically challenged nating mga kababayan.

“Kaya kung makikita n’yo kami, ako ang hari ng mga dwarfs,” birong sabi pa niya.

Malaki na ang production ng Simply Suka at lalo pa itong magiging visible sa market dahil may kontrata siya para itinda ito sa lahat ng Chooks To Go outlets.

Si Michael Angelo Lobrin ang kinakailan­gang magkaroon ng talk show sa mainstream TV, tiyak na marami ang mai-inspire sa mga kuwento niya. Rapido ang bibig niya, effortless na nakakatawa, pero kahit saang paksa ibaling ang usapan, laging may sense ang mga sinasabi niya.

 ??  ?? Michael
Michael

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines