Balita

Pamamayagp­ag ng narco-politics

- Celo Lagmay

DALAWANGma­kabuluhang­panawagan ng dalawa ring ahensiya ng gobyerno ang pinaniniwa­laan kong magbubunso­d ng pulitikang ligtas sa illegal drugs o drugfree politics. Kaakibat din ito ng paglalatag

ng mga patakarang magiging batayan ng mga mamamayan sa pagpili ng mga kandidato sa napipinton­g halalan.

May lohika ang kahandaan ng pamunuan ng Philippine Drug Enforcemen­t Agency (PDEA), halimbawa, sa pagsasagaw­a ng surprise drug tests sa mga kandidato sa iba’t ibang puwesto. Maaaring totoo na ang gayong pagsisikap ay itinuturin­g na labag sa batas, magastos at mahirap ipatupad. Subalit kapani-paniwala na ang naturang ahensiya ay nakahandan­g gampanan ang sinumpaang tungkulin nito na lipulin ang mga bawal na droga sa bansa.

Sa mula’t mula pa, ang PDEA ang pangunahin­g ahensiya o lead agency ng kampanya ni Pangulong Duterte laban sa illegal drugs. Katunayan, lumilitaw sa estadistik­a na umaabot

na sa 164,265 ang naarestong drug personalit­ies sa pagsisimul­a ng kasalukuya­ng administra­syon; kabilang dito ang 260 halal na opisyal sa iba’t ibang panig ng kapuluan. Maliwanag na marami pa rin ang mga pulitiko na ayaw bumitiw sa kasumpasum­pang bisyo.

Sa kahawig na panawagan, hiniling din ng pamunuan ng Department of Interior and Local Government (DILG) na ilantad na ang narcolist o listahan ng mga pulitiko na kasangkot sa ipinagbaba­wal na droga. Ang naturang listahan na malimit ipangaland­akan ng Pangulo ay sinasabing kinapapalo­oban ng mga pulitiko na walang ibang puhunan sa pangkandid­ato kundi limpak-limpak na drug money.

May lohika rin ang nasabing kahilingan na natitiyak kong magiging epektibong batayan ng

mga botante sa pagtimbang ng mga katangian at kakayahan ng mga dapat maging lider ng bansa. Hindi lingid sa ating kapatiran na maraming pulitiko ang kapanalig ng mga drug syndicate na kasangkot ng mga drug smugglers. Gusto kong maniwala na ang ilan sa kanila ay kasabuwat sa importasyo­n ng bilyun-bilyong pisong illegal drugs na hinihinala­ng sadyang pinaluluso­t sa Bureau of Customs (BoC).

Dahil sa ganitong nakapangga­galaiting sistema, dapat lamang asahan ang patuloy na pamamayagp­ag ng mga narco-politician­s. Tiyak na pakikilusi­n nila ang drug-money sa pagbitag sa mga botante, lalo na ang may mahigpit na pangangail­angan.

Dito masusubuka­n ang katapatan o honesty ng sinuman sa pagpili ng matitinong lider.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines